|
|
| Geoff, handang magpaseksiAuthor: Nitz Miralles In-announce sa Showbiz Central na si Geoff Eigenmann ang makakapareha ni Carla Abellana sa Rosalinda at gaganap sa role ni Fernando Jose. Bago ang announcement, nag-shoot na ng cinema plug ng series ang dalawa at nag-workshop bilang pagha-handa sa first taping day nila sa June 10. Mabigat ang ipina-ngako ni Geoff sa viewers ng Showbiz Central na "I promise I will give justice to the role" at "I will give everything I have" na in fairness, ginagawa naman nito. Nagpi-piano lesson siya at kasama ang inang si Gina Alajar, pinapanood ang 80 episodes ng Rosalinda at half na nito ang kanyang napanood. "Kinakabahan ako dahil biggest project ko ito at the same time, excited dahil alam kong marami ang nag-aabang. I find it hard to play Fernando Jose dahil frustration ko ang music, wala akong alam i-play na musical instrument, that's why I have to take piano lesson. " Maganda ang dating ni Carla kay Geoff, maganda raw ang kapareha, smart, educated and intelligent at magaling na artista batay sa 10-day workshop nila. "My jaw dropped when I first saw her, she's very beautiful and she'll stood out in a crowd. She's perfect to play Rosalinda. " Alam ni Geoff na ma-ikukumpara sila ni Carla kina Marian Rivera at Dingdong Dantes at inaming big shoes to fill ang narating ng dalawa. Magtutulungan at magkakampihan daw sila ng kapareha para ma-gandang lumabas ang kanilang trabaho. Any comment sa sina-sabing siya ang magdadala sa Rosalinda? "Kaya siguro nila na-sasabi 'yan dahil mas marami akong experience than Carla, pero big project ito at pareho kaming newbie. Love team kami rito, kaming dalawa ang magdadala. "New start ito for me, overwhelmed ako't tao lang ako,I'll do my job the best way I can. " May sexy scenes at sexy calendar si Fernando Jose sa Rosalinda, kaya ba niyang gawin ito? "All out and game ako sa sexy scenes at 100 percent kung gagawin ang ipagagawa nina Direk Maryo J. delos Reyes at Gil Tejada. Ang sexy calendar naman, I'm willing to do it for the role and for the project. If they request me to do it, why not? " * * * Nagbunga ang pagiging vegetarian ni Geneva Cruz dahil siya ang ibinoto at napiling Philippines' Sexiest Vegetarian for 2009 pagkatapos ng mahigpit na botohan sa PETA Asia Pacific. com. Tinalo ni Geneva si Lougee Basabas, co-host ng Eat...Bulaga at frontwoman ng Delara Band, pero mahigpit ang kanilang laban. Runners-up sina Yasmien Kurdi, Chin-Chin Gutierrez, Raymond Bagatsing, Cory Quirino at Alicia Mayer. Sa e-mail ni Ashley Fruno ng PETA, mas mataas pa raw ang boto ni Geneva sa international stars na sina Natalie Portman, Hayden Panettiere, Russel Brand, Leona Lewis at Olivia Wilde na nasa top spot ng Maxim's Hot 100 list. * * * Sa Showbiz Central pa rin ang first live interview ni Pia Guanio kay Richard Gutierrez at natuwa ang fans ng actor sa binanggit nitong he's fine and completely healed. Total change raw ang nangyari sa kanya after the accident and he's grateful to be alive. May coverage rin sa baby shower ni Jaya na within three to four weeks ay isisilang na ang baby boy nilang mag-asawang si Dylan. Nakulangan kami sa mga tanong kay Sheena Halili sa Digital Don't Lie To Me dahil may mga dapat itinanong sa actress. Gaya nang tsismis na kasama siya sa sex video ni Dr. Hayden Kho at kung binabalikan ba siya ni Rainier Castillo. May feature rin kay Eva Castillo na mukhang magkaka-career. Thanks to Regine Velasquez, Allan K, Direk Louie Ignacio and GMA-7. Ipinakita nito ang appliances na galing daw kay Regine at dahil sa kinikita niya ngayon, napa-enroll na niya ang mga anak. * * * Ang lakas ng tawa ni Ramon Christopher nang tanungin namin kung totoong inagaw siya ni Lotlot de Leon kay Tina Paner, gaya nang akusasyon ng fans ni Tina. "Ganu'n ang alam ninyo? Hindi totoo 'yun, bakit naman ako aagawin? Ako ang lalake, ako ang nanligaw. Ito ba namang ganito, aagawin pa? Itinapon na nga ako, aagwin pa? (Ouch!) Inagaw ba niya si Lotlot kay Anjo Yllana? "Hindi rin! Ang pagkakaalam ko, wala na sila nang ligawan ko si Balot. Bakit ba puro pang-aagaw ang itinatanong ninyo sa akin? Ha-ha-ha!" Samantala, nasa cast si Monching ng Ngayon at Kailanman at thank you raw sa manager niyang si Annabelle Rama na masipag siyang ihanap ng trabaho kahit walang komisyon. Enjoy siya sa bad guy role niyang tagabuyo kay Luis Alandy ay nagturong mag-casino. Source: People's Tonight |