|
|
| Geoff, puwedeng ma-in love kay Carla![]() Author: Abante NAGPUPUYAT si Geoff Eigenmann sa panonood ng Rosalinda na pinagbidahan nina Thalia at Fernando Carillo. Sa ngayon, kalahati na raw ng 80 episodes nito ang napapanood niya. At kapag nanonood daw siya, pati ang mommy niya ay nakikinood din para makilala ang character ni Fernando Jose at mabigyan siya ng tips. Bukod dito, pagbo-boxing at halos hindi na raw siya kumakain, ang ilan sa mga preparations na ginagawa niya physically, at sila naman ni Carla Abellana ay more workshops para mas makilala pa raw nila ang isa't isa, lalo pa nga at sangkaterbang kissing scenes ang gagawin nila. Sabi ni Geoff, sa beauty at personality ni Carla, hindi kataka-takang ma-in-love siya sa dalaga. “It's not hard to fall for Carla,” mabilis niyang sagot. “Physically pa lang, she's very beautiful. Very sincere. Sobrang totoong tao. So, it's really not hard to fall in-love with her,” sagot ni Geoff na tila kinikilig, lalo na at matagal na rin siyang walang girlfriend. Anyway, inaasahan din ni Geoff na palagi siyang maiko-compare kay Dingdong Dantes kahit pareho pa sila ng manager. 'Yung career path niya kasi ay parang Dingdong din. “I guess, hindi naman mawawala ang comparison talaga with anyone naman, eh. No matter how close you are with someone or kahit magkaaway kayo, you'll still be compared. Hindi mo mapipigil 'yun. I guess, I'll just go with whatever happens. “But of course, with Dingdong and Marian, they have proven a lot, sobrang dami na nilang na-achieve at nagawa. On our part, me and Carla, we're like mga newbies pa lang kami.” Nakilala rin si Fernando Jose sa pagpapa-sexy niya sa Rosalinda at lakas ng sex-appeal, 'yun din ba ang makikita sa kanya? “I guess, it's something that I have to work on. Lumakas ang sex-appeal ko. I guess, abangan na lang nila. I'm really excited to play Fernando Jose. Marami akong naiisip na gawin sa kanya, iba talaga from what I did before.” May sexy calendar rin na inilabas si Fernando Jose noon. “Ha? Kasama ba 'yun? Ha! Ha! Ha! Kailangan ba talaga?” If ever, gagawin niya ba? “Abangan na lang natin! Sabi ko nga kanina, I'm willing to do everything for the show. Fernando Jose as he is, so, we'll see. I guess, if they require me to do it, why not? Bahala na. Bahala na!” natatawa pang sabi na lang ni Geoff. Source: Abante |