|
|
| Geoff walang project sa Dos kaya balik-GMAAuthor: Tonee Coraza Hindi na kami nagtaka nang nabalitaan namin na balik-GMA si Geoff Eigenmann para sa gagawing 8-part mini-series ng Obra starring Marvin Agustin. Unang-una na, wala ka-sing project ngayon si Geoff sa ABS-CBN. 'Yung bago sana niyang teleserye dito na Moon River, kung saan katambal niya si Maja Salvador ay na-shelved muna. Kaya naiintindihan na-min kung sakaling inisip ng manager niyang si Perry (na manager din ni Dingdong Dantes) na ibalik na siya sa Siyete. Nanghihinayang naman kami kay Geoff. Kasi kung kailan naman siya sumexy at nagpapayat nang husto ay saka naman siya nawalan ng projects sa Kapamilya network. Huli namin siyang napanood sa Lobo nina Angel Locsin at Piolo Pascual, kung saan rumampa pa si-yang naka-bikini trunks lang. Ayaw naming isipin na lipas na ang pagiging bida niya sa TV at pelikula. But then, he could also make a good character actor. After all, kilalang mga character actors ang kanyang mga magulang na sina Michael de Mesa at Gina Alajar. Palagay namin ay magi-ging isang malaking asset sa GMA si Geoff ngayong Kapuso na siya ulit! * * * Naiintindihan din namin si Annabelle Rama kung bakit hindi siya pumayag na maging support lang ni Marvin si JC de Vera sa Obra. After all, nagkaroon nga naman ng 4-part series si JC noon sa Obra na siya mismo ang featured lead artist. Tapos galing lang si JC sa pagbibida sa highly-rated na LaLola kung saan support naman niya si Marvin dito. Kuha rin naming ang lohika ni Tita Annabelle kung bakit ayaw niyang pagtambalan sina JC at Heart Evangelista sa isang teleserye. Mukha naman kasing hindi bagay ang dalawa na magtambal kaya mas mabuti pang magkaroon ang mga ito ng kani-kanilang mga sari-ling shows. * * * Ang Japanese movie na Departures ang nanalong Best Foreign Language Film sa katatapos lang na 81st Oscar Awards. Ito sana ang makakatunggali ng Ploning ni Judy Ann Santos kung sakaling nakapasok ito sa top five nominees. Anyway, nagbigay kamakailan si Juday ng isang Thank You party sa lahat ng tumulong at sumuporta sa pangangampanya niya ng Ploning sa Oscars. At natutuwa kaming nalaman na balak niyang magtayo ng isang foundation na tutulong sa mga aspiring film producers na gustong pumasok sa foreign language category ng Oscars. * * * Excited na nagkuwento si Fanny Serrano sa nangyaring PICA's first Touch of Excellence Awards National Hair& Make-Up Open Competition na ginanap last Jan. 26 sa Arena, San Juan. Gusto niyang pasalamatan ang mga kaibigan niyang mga artista na nag-judge sa nasabing kumpetisyon na sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Jomari Yllana, Jolina Magdangal; directors Laurice Guillen, Chito Rono and Joey Reyes at Tessa Prieto, Tim Yap, Carlene Aguilar and Melanie Marquez. Para naman sa kanyang event na Cosmotologie '09 na gaganapin sa SMX Convention Center on Feb. 26, 27 & 28, heto ang kanyang line-up of celebrity guests: Lorna Tolentino, Judy Ann Santos, Dawn Zulueta, Cherie Gil, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Jomari Yllana, Charlene Gonzales, Sen. Francis Pangilinan at Gary Valenciano. Source: Taliba |