Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gerald Anderson and Kim Chiu apologize to German Moreno for FAMAS "snub"

"Hindi lang po sila [FAMAS organizers and Star Magic handlers] nagkaintindihan sa oras," explained Kim and Gerald. "Dumating kami doon, tapos nag-antay kami ng ilang oras.  Alam naman po ng mga taga doon na kailangan naming umalis ng... Kasi babalik kami

Author: Mell T. Navarro

Ilang ulit nang napabalita ang isyung hindi pumapayag ang mga Kimerald fans na makasama ni Gerald Anderson ang pop idol na si Sarah Geronimo sa anumang project, pelikula man o teleserye.

May kumalat kasing balita na magsasama sa isang Star Cinema or Viva movie sina Gerald and Sarah, pero wala pang kumpirmasyon ito mula sa alinmang kampo.

Gayunpaman ay ipinaramdam na ng solid Kimerald fans sa maraming Internet sites and blogs ang pagtutol nila sa anumang planong istorbohin ang iniidolo nilang Kim Chiu at Gerald Anderson love team. Ito ay pagkatapos ng matagumpay na teleserye nina Kim at Gerald sa ABS-CBN na Tayong Dalawa.

SARAH IS A KIMERALD FAN. Kahapon, October 31, sa Entertainment Live ng Kapamilya network, nagsalita na si Sarah Geronimo tungkol sa isyu. Sinabi ng pop star na tagahanga rin siya ng sikat na love team.

"I've always admired Kim," pag-amin ni Sarah, na kamakailan ay nanalo bilang Female Pop Artist of the Year sa 1st PMPC Star Awards for Music noong October 29. "Magaling siyang aktres. Napapanood ko siya. Fan ako nila... Nanonood po ako noon ng Sana Maulit Muli and napaiyak nila ako doon sa serye, silang dalawa ni Gerald.

"At nung mapanood ko sila sa Tayong Dalawa, ang laki talaga ng improvement [nila]... So, para sa akin talaga, si Kim at si Gerald ay para sa isa't isa!"

On the same show later, inamin nina Gerald at Kim na dahil sa reaksiyon ng Kimerald fans kay Sarah, nagkakailangan na raw ang tatlo kapag nagkikita-kita sa studios ng ABS-CBN, lalo na sa ASAP, kunsaan pare-pareho silang hosts.

"Well, nakakailang at nakakahiya talaga sa kanya!" pag-amin ni Gerald, na katabi si Kim habang ini-interview, na sumasang-ayon sa ka-love team.

"Dahil wala siyang kamalay-malay, pero naaapektuhan siya, nadadamay siya sa fans namin... Ang masasabi ko lang, wala po talagang away, wala pong tensiyon sa aming tatlo. Alam naman namin kung ano yung totoo," sabi ni Gerald.

Hindi pa naman silang tatlo nag-uusap tungkol dito.

"Hindi kasi kami magka-dressing room, e," sabi ni Kim. "'Saka, pag magkikita kami, ganun-gano'n lang e, daan-daan lang, e... So wala masyadong pag-uusap."

Ang masasabi lang nila kay Sarah ay, "Sorry!" mapagkumbabang wika ni Gerald. "Lalo na sa part ko, pasensiya na dahil talagang nadamay ka sa fans namin..."

Ang message naman ni Kim: "Sarah, pasensiya na sa lahat-lahat na mga issues na binibigay sa atin, na binabato sa atin... Alam naman natin ang totoo and wala naman talagang conflict o kung ano man."

MORE "KILIG" IN NEXT FILM. Kasalukuyang nagsu-shooting sina Kim and Gerald ng still untitled movie na magsisilbing comeback nila sa Star Cinema. It's their third together, although lumabas na sila sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll ng Regal Entertainment a couple of years ago.

Dito sa lumalabas na fourth film nila ay si Ruel Bayani ang director, the same director ng kanilang highly successful na Tayong Dalawa. Kasama dito sa pelikula si Robi Domingo ng Pinoy Big Brother Teen Edition, kunsaan produkto rin sina Kim at Gerald.

"Mag-best friends kami dito sa start ng movie na na-in love sa isa't isa," sabi ni Gerald tungkol sa roles nila ni Kim.

"Best friends kami since 14 years old kami hanggang nag-21 na," dugtong ni Kim.

"Ang maganda dito sa movie," patuloy ni Gerald, "may journey yung pagiging mag-best friends namin."

Dagdag ni Gerald, bagamat drama ang pelikula, hindi ito kasimbigat ng last teleserye nila.

"Kasi, parang may lihim akong pagtingin sa best friend ko na hindi naman niya alam, kasi meron siyang ibang ano," sabi ni Kim, na masaya ring nagkuwento kung ano ang itsura niya dito.

Source: Philippine Entertainment Portal