Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gerald Anderson, ipinagmamalaking siya ang nakaunang humalik sa lips ni Kim Chiu

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

HANDA na raw si Gerald Anderson sa mature roles tulad dito sa Tayong Dalawa kung saan gumanap siya bilang isang military cadet.

Okey lang daw sa kanya ang kissing scenes. So far, si Kim Chiu palang daw ang nakakahalikan niya sa pelikulang I've Fallen For You. Ka-ya nga natatawa lang siya kung iniintriga siya ng press tungkol sa kissing scenes nina Kim at Jake sa Tayong Dalawa, kasi nga mas nauna na niyang nahalikan ang malalambot at maninipis na lips ni Kim.

Ready na rin daw si Gerald makipagpareha sa ibang artista, kaso wala siyang maisip na gusto niya na kasing-edad niya. Ang kanyang gusto raw kasing makatambal ay si Claudine Barretto.

Okey rin daw sa kanya na pumareha sa iba si Kim kung ikagaganda ng career nito. Basta pagda-ting sa personal ay sila ang magka-MU.

Hindi pa raw sila nag-se-serious kiss ni Kim ka-hit magka-MU na sila. Hanggang beso-beso lang daw sila. Wala si-yang pinagseselosan na kahit na sino kay Kim. Pero, hindi naman daw ibig sabihin nu'n na feeling very secure na siya sa dalaga.

* * *

DALAWANG premiere nights ang dinaluhan na-min noong Lunes ng gabi.

Una ang MMFF entry ng Octoarts na One Night Only na sumakit talaga ang tiyan namin sa ka-tatawa.

Magaling talagang gumawa si Direk Joey Re-yes ng sex comedies at si-ya mismo ay nag-cameo role sa isang eksena bilang director sa pelikulang ginagawa ni Paolo Contis.

* * *

HINAGPIS naman ang na-ramdaman namin nang aming panoorin ang MMFF entry ng Viva na Baler.

Kasi namatay rito ang character ni Jericho Rosa-les. Kaya naman isang balde ang iniiyak ni Anne Curtis na isinilang ang anak nila ni Echo nang hindi man lang nasilayan ng ama bago ito puma-naw.

Lahat ay magagaling ang star-studded cast ng pelikula headed by Phillip Salvador na shoo-in na sa best supporting actor ca-tegory.

Revelation din sa amin ang acting dito ni Jao Ma-pa na siyang nagtraydor kay Jericho. Hindi na kami nasopresa nang nakakuha ng Grade A ang Baler mula sa Cinema Evaluation Board (CEB).

* * *

GINANAP ang Crissa Dance Synergy grand finals noong Lunes ng ha-pon sa SM Mall of Asia kung saan nanalo ang all-female dance group from Colegio De Sta Rosa ng P100,000 cash.

Pang-4th year na nila itong ginagawa and this year ang pinaka-successful nila.

Ayon kay Carter Go (general manager), ang Crissa ang no. 1 clothing line for girls sa SM and Robinson's Department Stores for many years now.

Napaka-fashionable at colorful kasi ng mga damit nila kaya gustung-gusto ito ng teenage girls. Very affordable pa ang mga ito. Para sa 2009, ang kinuha nilang endorsers ay sina Alexis Go (UAAP sportscaster), Nadine Ho-well (CCA Chef) at Stefa-ni Henares (VJ).

Dati ay sina Rica Pera-lejo at Valerie Concepcion ang kinuha nilang celebrity endorsers, pero biglang nag-bold si Rica sa Viva Films at nagbuntis naman si Val. Kaya med-yo nadala na silang kumu-ha ng panibagong set ng sikat na showbiz endor-sers. Kasi, umiiwas lang sila sa controversy. E pang-wholesome kasi ang Crissa na nagka-cater sa mga teens.

Source: Taliba