|
|
| Gerald Anderson natatakot kay Kim ChiuAuthor: Ed De Leon DALAWANG statements na puno ng frustration ang narinig na-min nitong nakaraang araw mula sa dalawang sikat at magagandang babae -- Karylle at Pauleen Luna. Dismayada si Pauleen dahil matapos si-yang dalawin sa mismong studio ng Eat Bu-laga at dalhan ng pagkain ni Gerald Anderson, bigla na lang itong nag-deny sa ginawa. Wala namang sina-sabi si Pauleen tungkol dito. May nagbalita lang na nakita nga nila si Ge-rald na dinalaw si Pauleen sa studio ng Eat Bulaga. Palagay namin ay wala namang ibang ibig sabihin iyon, maliban sa pakikipagkaibi-gan. Pero, bakit nga ba ka-ilangang i-deny 'yon ni Gerald samantalang maraming taong nakakita sa kanya? Malaking insulto sa isang babaing tulad ni Pauleen na matapos da-lawin at dalhan pa ng pagkain, biglang sasabihin ng dumalaw na hindi totoo 'yon. Natakot ba si Gerald sa banta ng ka-love team na si Kim Chiu na kung totoong dinalaw niya at dinalhan pa ng pagkain si Pauleen sa Eat Bulaga, hindi na muna maki-kipagtambal sa kanya ang dalaga? Sa panig ni Karylle. Halata naman ang pag-kadismaya nang sabihin niyang may mga bagay siyang nakita na hindi niya nagustuhan sa kanyang dating boyfriend na si Dingdong Dantes na naging dahilan ng kanilang split-up. Inamin din naman ni-yang maaaring ang lahat ng iyon ay naroroon na talaga sa simula pa lang, pero parang bulag siyang hindi niya nakita kaagad ang negatives ni Dingdong, o pinilit lang niyang huwag pan-sinin ang mga problema nila noon pa man dahil masyado siyang in love sa aktor. Ngunit nang dumating ang panahon na natauhan na siya, nakipaghiwalay na siya. At nga-yon, sinasabi ni Karylle, na sigu-ro, kung may pagkakataon man na magpaparamdam ng pakikipagba- likan si Dingdong, hindi na raw muna niya ito tatanggapin bilang kasinta-han. Siguro raw, as friend lang, pupuwede pa. Ang maganda kina Karylle at Pauleen, hindi nila hinaha-yaang makaa-Pekto ang disappointments sa kani-kanilang pang-araw-araw na buhay kahit kailan. 'Yan ang magandang attitude. * * * HINDI naman nagpapakita ng kahit na anong uri ng frustration o pagka-dismaya si Patrick Garcia kahit na tumatanggi ang kanyang dating girlfriend na si Jennylyn Mercado na ipakita sa kanya ang kanilang anak. Siguro nga, ito ang paraan ni Jennylyn para makaganti nang hindi siya pakasalan ni Patrick matapos buntisin. Pero, may simpatiya kami kay Patrick. Isipin ninyo, nagkaroon lang ng kaunting problema dahil sa hindi nila pag-papakasal, nagkaroon na ng ganyan kalaking gulo. Kung nagpakasal sila noon, tapos bigla silang may hindi napagkasunduang bagay, at nagkaroon ng ganyang gulo na pati ang mga pamilya nila ay nasangkot, ano na kaya ang mangyayari? Kaya, para sa amin, tama lang din ang naging desisyon ni Patrick na huwag maging pabigla-bigla. Mabuti na nga lang at hindi natuloy ang bigla-an nilang kasal noon. * * * WALA naman palang ma-ipagyayabang ang isang male star na akala mo ay kung sino kung pumorma sa ngayon. Kasi noong panahon palang trying hard pa siya, nagdaan din siya sa mga kamay ng isang showbiz gay. Hindi siya maka-pagkakaila dahil nagpu-punta pa siya sa bahay ng showbiz gay at nakikita siya roon ng mga alalay nito. Ngayon, akala mo kung sino na si-yang sikat kung pumorma. Pero alam ba niya ang totoo? Na hindi naman siya ganu'n kasikat, at puro publisidad lang naman na sinulat ng mga bayarang writers ang articles na nagsasabing number one actor siya? Source: Taliba |