|
|
| Gerald Anderson wants screen partner Kim Chiu for himself![]() Author: Dinno Erece Mula nang maging housemate sa first season ng Pinoy Big Brother Teen Edition si Gerald Anderson, na-recognize na ng Star Magic ang potential ng half-American boy kung kaya't kada birthday month niya, binibigyan siya ng solo presscon. Para sa 20th birthday niya, sa isang bagong venue sa Timog Avenue ginawa ang solo birthday presscon ni Gerald. Dahil 20 na siya, may 20 points of interest na kasama sa press release ng Star Magic para mapag-usapan, nguni't lumayo kami sa dalawampung topic para usisain si Gerald sa mga ibang issue sa kanya. Una na rito ang pagiging masipag ng fans ng Kimerald (Kim Chiu and Gerald Anderson love team) sa pag-email barrage sa mga press dahil sa balitang paghihiwalayin na raw ang dalawa pagkatapos ng Tayong Dalawa. Balita kasing ipapares na si Gerald kay Sarah Geronimo. "Hindi pa po tapos ang Tayong Dalawa!" natatawang sabi ng binata sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Huwag muna nilang isipin yun, hanggang July pa kami. Matagal pa yun. Tapos pagkatapos ng Tayong Dalawa, may gagawin pa kaming pelikula." Paano kung ituloy ito ng ABS-CBN management? "Work is work," sagot ni Gerald. "As much as possible, mas gusto ko si Kim ulit ang partner ko sa next project ko. But if they decided to separate us, I'm sure ABS will have a good plan for us and will give me the right leading lady." Pinapili si Gerald ng gusto niyang maging partner naman. "Marami sa ABS. There's Anne Curtis, Bea Alonzo, Sarah Geronimo," sagot ng young actor. Kung siya naman ang papipiliin kung sino ang gusto niyang next partner ni Kim, wala na lang daw kung puwede. "Baka solo project na lang for Kim sana, wala siyang partner. Ayoko siyang may partner, I'd rather have her solo!" sabay tawa ni Gerald.. Marami na rin ang clamor kay Gerald na magpa-sexy na. "Ginagawa ko naman, a, sa Tayong Dalawa may shower scene kami nina Jake [Cuenca]." Paano sa print? "Hindi pa. Hindi ko pa kaya talaga. Bata pa ako." Paano kapag nag-21 na siya? "Hindi ko alam din. Parang ako talaga ang hindi may kaya. Kahit shorts lang pag-iisipan ko pa." Paano kung siya ang sabihan ng Bench na papalit kay Dingdong Dantes bilang main underwear model. "Kay Dingdong na lang yun, hindi ko pa talaga kaya. Wala akong abs. Ab pa lang. Isang malaki!' biro Gerald. Isang blind item kay Gerald, siya ang tinutukoy na mahilig sa one-night stand. Tumawa lang nang malakas si Gerald. "Hindi ako yun," sabi niya. In-explain namin na siya ang may pinakamalapit na clue sa nasabing blind item. "Hindi, hindi ako yun. Hindi ko po ginagawa yun. Araw-araw akong nagtatrabaho, madalas inuumaga na kami. Paano ko pa magagawa yun?" paliwanag ng binata. Source: Philippine Entertainment Portal |