|
|
| Gerald at Kim, excited sa book 2 ng 'Tayong Dalawa'Author: Vinia Vivar Nagkaroon na ng story conference ang pelikulang pagsasamahan nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa Star Cinema kaya makakahinga na nang maluwag ang Kimerald fans dahil hindi totoo ang balitang paghihiwalayin ang dalawa. May naka-lineup din na teleserye sa magka-love-team pero wala pang detalye kung kailan ito gagawin dahil magko-concentrate muna sila sa pelikula. Dahil sa success ng Tayong Dalawa, marami sa mga loyal followers ng serye, lalo na nga ang Kimerald, ang nag-e-expect na magkakaroon ito ng part 2 lalo pa nga't open ang ending nito kung saan ay pumasok ang mga karakter nina Rosanna Roces at Enchong Dee. Wala pang maisagot ang management kung magkakaroon ng book 2 ang Tayong Dalawa pero nagpahayag na sina Kim and Gerald ng excitement kung sakaling matuloy ito. Pero ang balitang nasagap namin, ang next teleserye ng dalawa sa ABS-CBN ay isang matinding love story na sila lang ang bida kaya abangan na lang natin ang mga kaganapan. Kung sakali, baka next year na ito maaasikaso. * * * Mismong si Jamilla Obispo ay aminadong pasaway siya kaya medyo nawala siya sa sirkulasyon ilang buwan matapos ang Pinoy Big Brother Teen Edition season 1 kung saan ay isa siya sa housemates. Siya 'yung teenage mom sa nasabing reality show, remember? Ayaw nang idetalye ni Jamilla nang makausap namin sa presscon niya kasama ang ilang Viva Artists Agency talent kung anu-ano ang mga ginawa niya para matawag na pasaway. Basta sa ngayon daw ay ipinangako niya sa sarili niya na magko-concentrate na siya sa kanyang career. Si Jamilla ay talent na ng VAA ni Veronique del Rosario. She just signed up recently and to prove na wala na siyang pasaway attitude, willing daw siyang magpa-sexy. Gagawin niya ang isang indie film titled Ex-Deal. Kailangan daw niyang magtrabaho para buhayin ang anak since pinabayaan na raw sila ng ama ng kanyang baby. Dahil nasa VAA na ang teenage mom ay puwede na siyang lumabas sa iba't ibang istasyon, kahit sa GMA-7. Pero siyempre, kung siya raw ang tatanungin, mas okay sa kanya kung sa ABS-CBN shows siya makikita dahil dito naman daw siya talaga nagsimula. * * * Okay lang kay Mike Tan kahit maraming sumusikat na bagong artista ngayon sa GMA-7 dahil kahit paano, at least ay happy siya na narito pa rin siya at binibigyan pa rin naman daw siya ng proyekto ng kanyang home studio. Matatandaang si Mike ang nanalong Ultimate Male Startstuck Survivor Batch 2 at kasabayan niya noon sina LJ Reyes, Ryza Cenon, Cj Muere among others. Iilan na lang sila ngayong naririto pa rin at name-maintain ang showbiz career and for this, thankful na ang young actor. "Minsan po, siyempre, hinahanap ko rin sila, parang asan na kaya sila, ba't nagkaganu'n, pero thankful po ako na hanggang ngayon, nandito pa rin po ako. Lumalaban pa," sabi ni Mike nang makausap namin sa pocket interview for his new film, Hellphone, under Bluemoon Production and released thru Sunflower Films, International. At this point, ani Mike, ay hindi naman niya hinahangad na maging sobrang sikat tulad nina Dingdong Dantes o Richard Gutierrez. Ang dream daw niya ay makilala bilang isang magaling na aktor and he hopes na dumating ang time na 'yun lalo pa nga't maganda naman ang review sa kanyang acting prowess. Sa horror film na Hellphone ay gagampanan ni Mike ang papel na isang janitor na gustong-gustong magkaoron ng cellphone. Kasama niya sa movie sina Rainier Castillo, Snooky, Jackie Rice at iba pa, mula sa direksyon ni Joven Tan. The movie is showing on November 11. Source: People's Tonight |