Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gerald, ayaw hiwalayan si Kim

Gerald, ayaw hiwalayan si Kim

Author: Abante

TAKANG-TAKA si Gerald Anderson kung saan nanggaling ang tsismis na paghihiwala­yin na sila ni Kim Chiu. Sabi ni Gerald, sa July raw ay may sisimulan silang movie ni Kim na sila ang bida, kaya imposible `yung kuwento na paghihiwalayin na sila .

“Hindi pa nga tapos 'yung Tayong Dalawa paghihiwalayin na kami? Eh, may bago nga kaming movie na gagawin,” sabi ni Gerald.

Ang sabi kasi, ipa-partner daw si Gerald kay Sarah Geronimo?

“Wala pa naman pong official na o ffer sa akin na gagawa kami ng movie ni Sarah.”

Paano kung duma­ting 'yung official offer na 'yun?

“Kung dumating man po ang offer, eh, siyempre, kung 'yun po ang gusto nila, okey lang. Work is work naman po. At saka, alam naman po namin na in time, magkakaroon kami ng ibang partner. Pero sa ngayon, we're very happy kung nasaan ka­ming dalawa.”

Nagulat naman si Ge­rald sa biglang tanong sa kanya tungkol sa isang blind-item na diumano'y siya ang tila tinutukoy na young actor na mahilig makipag-one night stand.

“Of course not! Of course not!”

Totoo ba 'yun, napakahilig mo raw?

“Napaka! Ha! Ha! Ha! Of course not!” mariin niyang sagot.

In-terms of pagpapa-sexy naman, at 21, posible raw na maging ready na siya sa bagay na ito. Pero aniya, hindi pa raw siya magpo-pose ng naka-brief lang.

Eh, kung siya ang mapisil na ipalit kay Dingdong Dantes as Bench body model?

“Kay Dingdong muna po 'yun. Kasi, hindi ko pa po kaya 'yun.”
So, paanong pagpapaseksi pala?

“Siguro po 'yung topless lang, 'yung ganoon lang. Boxer shorts siguro,” natatawang sabi niya.

May pumipigil ba sa kanyang magpaseksi?

“Wala po, ako lang! Hindi ko pa lang talaga kaya.”

Source: Abante