Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gerald, dinedenay pa rin ni Kim

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

Hindi masagot ni Kim Chiu ang tanong kung kanino niya gustong mapunta ang karakter niyang si Audrey sa Tayong Dalawa between the two David Garcia Jr. (Gerald Anderson at Jake Cuenca).

"Ang hirap namang sagutin niyan," say ni Kim. "Parang ang haba naman ng hair ko. Hindi ko alam, eh. Baka magmadre na lang si Audrey," sabi niya.

Sa kuwento ng Tayong Dalawa, masuwerte talaga si Audrey dahil pareho siyang mahal na mahal nina JR at Dave at ayaw siyang pakawalan.

Kahit sino'ng babae, mahihirapan talagang magdesisyon kung sa totoong buhay 'yon mangyayari.

Kaso, sa kuwento ay nagpakasal na silang dalawa ni Jake kaya itsa-puwera na muna sa love story niya si Gerald.

In real life naman, pagdating sa status ng relasyon nila ni Gerald, hindi talaga mapaamin si Kim kaya hindi mo malaman kung hindi ba niya type ang young actor o talaga lang malihim siya.

Mas vocal pa nga si Gerald sa pagkukuwento ng mga nangyayari sa kanilang dalawa, like he revealed na kahit hindi sila magkaeksena madalas, lagi naman niya itong tinatawagan.

'Yun nga lang, kontra na naman ito sa sinabi ni Kim na bihira na silang magkita ngayon since hindi nga sila madalas magkaeksena.

Anyway, anuman ang relasyon nila ay sila lang talaga ang makasasagot.

Meantime, hayaan na lang natin silang mag-enjoy sa kung anumang meron sila.

* * *

Matagal-tagal na rin sa industriya ang commercial model at singer na si Guji Lorenzana, pero ngayon lang talaga sumabak nang husto sa show business.

Kasalukuyang nasa ilalim siya ng Star Magic at kasama sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers, panghapong serye ng ABS-CBN.

Nakausap namin si GUji sa May birthday presscon ng Star Magic at isa sa mga naitanong sa kanya ay ang tungkol sa isa niyang kasamahan sa Precious Hearts na si Maricar Reyes.

As we all know, involved si Maricar sa sex video scandal with Dr. Hayden Kho.

Ayon kay Guji, nang araw na lumabas ang sex video, nasa taping sila ni Maricar. Napansin daw niyang tahimik lang ito at hindi masyadong palakibo.

"Siyempre, nahihiya naman kaming tanungin siya kaya hinayaan na lang muna namin siya," sabi ni Guji.

Bilang kasamahan ni Maricar, nalulungkot din daw siya sa nangyari sa co-star at tulad din ng iba, galit ang nangingibabaw sa kanya sa mga taong may kagagawan nito.

Pero dahil may court proceedings na ay hayaan na lang daw natin na ang batas ang humusga.

Anyway, Guji celebrated his birthday last May 11 at wala raw siyang time na mag-celebrate sa rami ng trabaho.

Sa mga hindi nakakaalam, dating aspirant ng American Idol Season 3 si Guji. Napanood siya sa ilang TVCs at nakasama sa play na West Side Story at nag-guest sa Midnight DJ ng TV5 and I Love Betty La Fea.

* * *

"This is not a trial of Bong Revilla," ang mariing komento at pagtatanggol ni Boy Abunda sa senador sa mga detractor nitong nagsasabi na wala itong karapatang ipagtanggol ang mga babaing biktima ng sex video scandal dahil ito man ay babaero.

"If you have a problem against the senator, then file a case against him, but this case is not about Bong Revilla," pahayag pa ni Boy.

Tulad ng sinabi ni Lolit Solis, si Bong ay isa sa mga anak ng showbiz, tulad din ni Jinggoy Estrada, kaya kung may naaagrabiyadong kapuwa taga-industriya, may karapatan silang ipagtanggol ang mga ito.

"I'm proud of Jinggoy, I'm proud of Bong because they are doing their jobs," sabi pa ni Boy.

True!

Source: People's Tonight