|
|
| Gerald may dream house na![]() Column: Footlose HUWAG naman nating masyadong intrigahin si Gerald Anderson. Let's recognize him now as the newest young dramatic actor ng ABS-CBN Star Magic. Aba, in fairness, ma-runong talagang umarte itong si Gerald. And he will prove it sa bago niyang soap operang My Girl dahil kakaibang role ang kanyang gagampanan dito kasama ang ka-loveteam na si Kim Chiu. "My role here is a very serious guy, a young businessman with a kind heart. Medyo mahirap ang role for me kaya I attended some acting workshops. I also go to the gyum to work out para maiba yung physical appearance ko," kuwento ni Gerald. "Of course, very thankful ako sa ABS-CBN management for the trust na ibinibi-gay nila sa akin. Kaya naman I always do my best sa bawat show na ibinibigay nila," dagdag pa ng binata. Busy talaga ang guwapong aktor sa rami ng projects na ginagawa niya ngayon. Bukod sa TV appearances, in demand din siya sa mga out of town show here and abroad. Sangkatutak din ang kanyang endorsements like Bench, Glam Lab, Jollibee, Nescafe at Close-Up. Meron pang isang nagpapasaya ngayon kay Gerald. Ito ay ang kanyang dream house. He decided to have his own house at dito niya inilalagay ang lahat ng kanyang mga kinikita sa showbiz. Bongga ang dream house na ipatatayo ni Gerald somewhere in Quezon City kasi medyo malaki ito at hanggang third floor. Sa first floor, andu'n ang kanyang dining room at guest rooms. Nasa second floor naman ang kanyang family room at sari-ling bed room. Sa third floor ang kanyang gym, mini bar at terrace. Hindi pa tapos ang bahay. Nasa planning stage pa lang ito kung kung paano pa pagagandahin. "Eversince I entered showbiz, talaga nag-promise ako sa sarili ko na 'pag may malaking sa-vings na ako, magpapagawa ako ng dream house ko para sa family ko para lahat kami ay sama-sama na," wika pa niya. Ipinagagawa rin ngayon ni Gerald ang house ng mama niya sa Gensan at malapit na itong matapos. "Ang mahal kasing mag-rent. Sayang ang pera. Kaya okey 'yung meron ka talagang sariling place," sabi ulit ng binata. Well, good for Gerald. At least alam niya kung saan napupunta ang perang kinikita niya. Hindi permanente ang lahat sa showbiz kaya habang sikat pa siya, dapat lang na mag-invest siya. Teka, eh, si Jun Reyes, kelan kaya patatayuan ng bahay ni Gerald? Ha-ha-ha! 'Nga pala, bago ko makalimutan, kasama rin si Gerald sa sineseryeng Maligno ng ABS-CBN na magsisimula na ngayong gabi sa ABS-CBN. Kasama niya rito sina Claudine Barretto, Rafael Rosell at Diether Ocampo. This is under the direction of Wenn Deramas. Pero according to the people behind Maligno and even to Susan Roces, sigurado silang maghi-hit ito sa televiewers. Mas nakakatakot daw kasi ito compared to Patayin sa Sindak si Barbara at gusto ng televiewers ang mga ganitong palabas. Sa part ni Claudine, she's also confident na magugustuhan ng tao ang Maligno. "If you reall like scary show, you will surely love Maligno. Kahit nga ako as an actress, natakot din sa mga pinaggagawa ko sa taping, eh," kuwento pa niya. Well, let's all watch Maligno kung talaga ngang matatakot tayo. Source: Taliba |