Oct 13
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Gerald okey lang ma-link sa bading

Sa presscon ng Maligno, nalaman ni Gerald Anderson na natsi-tsismis siya ngayon sa gay promoter na si Edgar Mangahas. Kesyo binili raw ni Edgar ang repeat concert ni Toni Gonzaga sa Aliw Theater sa May 2 sa halagang P1. 5M dahil guest siya rito. More ...

 

Gerald okey lang ma-link sa bading

Column: Whatever
Author: Tonee Coraza

Sa presscon ng Maligno, nalaman ni Gerald Anderson na natsi-tsismis siya ngayon sa gay promoter na si Edgar Mangahas.

Kesyo binili raw ni Edgar ang repeat concert ni Toni Gonzaga sa Aliw Theater sa May 2 sa halagang P1. 5M dahil guest siya rito. More so, townhouse raw ng gay ang tinitirhan ni Gerald ngayon sa Montgomery Place sa E. Rodri-guez.

Hindi raw niya alam na binili pala ni Edgar ang repeat concert ni Toni. Basta matagal na raw ni-yang kilala ito bago pa siya pumasok sa PBB house two years ago, kasi kakikila ito ng manager ni-yang si Jun Reyes.

Nagkakasama raw sila nito sa mga probinsya tulad nitong naka-raang Palawan raket niya, kasi ki-nukuha siya nito para sa mga ce-lebrity basketball games. Wala raw ibinibigay na kahit na ano sa kanya si Edgar kundi ang TF lang niya sa pagba-basketball.

'Yung tinitirhan daw niyang townhouse sa Montgomery Place ay hindi raw kay Edgar kungdi ni-rerentahan lang daw niya 'yun sa isang homeowner sa halagang P25,000 a month. Nakahihiya nga raw kay Ed-gar dahil pati ito ay naiintriga dahil sa kanya. Balewala na raw sa kanya na nali-link siya sa mga gay dahil madalas naman daw si-yang matsismis nang ganito. Hu-wag lang daw na siya mismo ang itsismis na bakla dahil malaking kalokohan daw 'yun. Alam niya sa sarili niya na 100 percent siyang lalaki.

Oo naman!

* * *

Itsinika namin kay Kim Chiu ang tungkol sa mga tsismis tung-kol kay Gerald Anderson at sa isang gay promoter.

Medyo na-shock siya nang malaman niya ang tungkol dito, pero malaki raw ang paniniwala niya na walang katotohanan ang bagay na ito dahil wala sa ugali ni Gerald ang pumatol sa bading.

Nang tuksuhin namin si Kim na baka magselos siya sa natsitsi-smis na gay kay Gerald ay natawa lang siya. Never daw siya magseselos sa bading. Eh, maski raw sa ibang babae hindi siya nagseselos, sa isang gay pa? At saka na-kasisigurado rin daw siya na walang ibang babaing nagugustuhan si Gerald.

Wow naman!

Malaki ang pasasalamat ni Kim at nakasama siya sa bagong sineserye na Maligno. First ma-ture role raw niya ito at nagpapasalamat siya kay Direk Wenn Deramas sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong ito.

Challenging ang role niya dahil may lihim pala siyang intensyon na maghigante kay Claudine Barretto sa istorya.

Katakut-takot na preparas-yon din ang ginagawa niya nga-yon para sa launching ng telenovela niya na My Girl at sa kan-yang nalalapit na debut.

* * *

IpinahaYag ni Diether Ocampo na walang katotohanan ang mga balitang lilipat na siya sa GMA-7 para sundan ang kanyang ka-batch na si Marvin Agus-tin.

Ang alam daw niya ay may offer ang GMA-7 na project at ang Star Magic ang kinausap ng mga taga-GMA.

Napa-flatter raw siya na kinonsider siya ng GMA for a project. Eh, siya naman okey sa kanya ang kahit na ano basta tra-baho.

Pero, gusto rin niyang klaruhin na hindi siya umaalis sa Star Magic ng ABS-CBN.

Sa totoo lang, hindi naman siya pinababayaan ng ABS. Hin-di rin siya nababakante tulad ngayon, may Maligno siya kung saan ginagampanan niya ang role originally played by Dante Rivero sa original movie ni Su-san Roces in 1977.

Napansin lang namin na nag-slimm-down nang husto si Diet ngayon. He's only 147 lbs. daw ngayon. In preparation daw ito for a new project at hindi dahil sa pagseselos kay Oyo Boy Sotto. Sa totoo lang daw, wala na raw siyang pakialam sa mga nangyayari sa 'ex' niyang si Kristine Hermosa.

Source: Taliba