Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Getting to know Kalye's Atom Araullo

Getting to know Kalye's Atom Araullo

Author: Julie Bonifacio

Happy ang bagong crush ng bayan sa ABS-CBN News and Current Affairs na si Atom Araullo sa pagsapit ng ika-isang taon ng magazine show nila nina Anthony Taberna at Sol Aragones every Monday night na Kalye. Hindi raw akalain ni Atom na aabot sila ngisang taon. "It's something that we didn't expect but we're happy na umabot kami ng isang taon. Ang daming magagandang episodes na ginawa kami sa show. Pero mahirap mag-identify ng isang paborito sa maraming istoryang nagawa namin, more than fifty stories already. Pero masasabi ko na 'yun ang pinaka-memorable at favorite na rin in the sense na maganda naman 'yung kinalabasan ng istorya. I mean, lagi namang maganda ang istorya kapag nakaka-kwento ka ng isang bagay na wala sa spehere of influence o sa mundo ng mga taong nanonood sa 'yo. Siguro sa ibang tao they find it chocking. 'yung iba, I mean, ang sukatan naman ng isang magaling na journalist o story teller ay kung ano 'yung nahuhugot mo'ng reaksyon at emosyon sa mga viewer. So, in that sense I can say na it's a good episode. Marami akong favorites," pahayag ni Atom.

Alfonso Tomas Pagaduan Araullo ang tunay na pangalan ng host kaya raw Atom ang nickname niya. Ipinanganak si Atom nu'ng 1982 at una siyiang lumabas sa telebisyon sa children show na 5 and Up. "Ano lang ako noon ten years old , 1992. Four years ako doon kasi may system doon na ga-graduate na kami kapag fourteen na kami. Pagkatapos doon, well, fourteen lang ako noon so nasa school pa ako. So, tinuloy ko 'yung school ko. Tapos marami rin ako'ng mga interes."

Sa Ateneo De Manila University nag-grade school si Atom. Nag-high school naman siya sa Philippine Science at nagtapos sa University of the Philippines ng kursong Applied Physics. Naging kasamahan daw ni Atom sa Ateneo Children's choir si Dingdong Dantes. Hindi ba niya naisip na magartista tulad nito? "Siguro hindi ko hilig. Pero nag-theater nga ako 'di ba hanggang high school. Actually, hanggang college, sa Dulaaang UP, ganu'n. Dati mas interes ko nu'ng time na 'yun 'yung pagiging aktor. Actually, very interesting siya para sa akin kaya lang, ah, 'yung pagiging ano naman kasi, 'yung paging journalist din naman hindi ko plinano, e. Nu'ng college nag-Physics ako 'di ba? Pagkatapos noon nu'ng pagka-graduate ko meydo nalalapit ako doon sa media ulit, inisip ko na subukan ko na i-prusue. Ayun, naging researcher ako sa The Correspondents. Naging segment producer ako tapos naging reporter hanggang sa nag- Kalye."

Pero may nag-ooffer din sa kanya na mag-artista? "Mayroon na rin. Oo, meron na rin. 'Tsaka naka-ano , nakagawa na rin ako ng mga projects here and there sa entertainment side you could say." Anong ginawa niya? "Well, meron kaming ginawa dati ni Direk Jeffrey Jeturian. Nu'ng medyo nagsisimula pa lang siya sa TV ay ginawa siyang . . . Ano'ng tawag doon? Telesine, tama ba? It's ano, independent siya, e hindi ko lang alam kung saan ipinalabas. Mga teens ako noon kung hindi man 16. 'Tsaka nagta-teatro na talaga ako noon. Pero nu'ng lumaon hindi ko rin naisip na, kumbaga, kung TV ang pag-uusapan parang nag-interes lang ako sa news and current affairs side kesa doon sa entertainment. Kasi parang ano, e, maganda 'yung gumagawa ka ng istorya sa totoong buhay."

Sa love life naman, hindi naman daw nanligaw ng artista si Atom pero mayroon siyang girlfriend ngayon na showbiz personality rin. "Hindi siya artista pero co-host ko siya dati sa Breakfast, si Patty Laurel. I think second cousin siya ni Denise ( Laurel ). Three years na kami. Nasa Sky Cable na siya ngayon 'tsaka nagtuturo siya. Ang day job niya pre-school teacher. Sa Breakfast nakami nagkita. Nagbi-Breakfast ako noon, mga ika-thrid year ko, doon na ako nag-apply na researcher sa Correspondents late 2006." Engaged na ba sila? "Hindi pa naman. Kumbaga, three years na kami, e. 'Tsaka ano, doing good, going strong." May plano na ba silang magpakasal? "Wala pa namang date. Pero doon na rin 'yun, doon na rin hahantong 'yun."

Wala ba siyang plans na i-pursue naman anb kanyang pagiging physicist? "You know I got asked that question more often kung na-apply ko ba ang Physics sa tranaho ko. The honest answer is no because that's a separated field. Parang 'yung field of Science parang ano talaga 'yan, kailangan ng research, kailangan nasa laboratoryo ka, dapat nandu'n ka sa environment na 'yon. Pero sa kabilang banda naman marami rin ako'ng nagagamit na mga skill na natutunan ko sa course na 'yun. Kasi sa isang banda 'yung pagiging systematic ko na mag-isip, 'yung kapag may nakita ka'ng problema parang kaya mo'ng tilad-tilarin 'yan, parang solve it by parts. Malalki ang natulong sa akin nu'ng course ko kasi kung journalist ang pinag-usapan na nasa larangan ka, well, masasabi mo social science, 'yung mga kwento ng mga tao . So, parang dahil d oon parang may scientific approach ako sa mga ganu'n," tapos ni Atom.

Source: ABS-CBN Interactive