Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gina Pareño nangungulekta ng international best actress award

Author: Lito Mañago
Column: Hot Sources

NICE to hear that Master Rapper Francis Magalona is on the road to reco-very. Two Saturdays ago, muling narinig ang boses ni Kiko na sumisigaws sa showbiz-oriented talk show na Startalk nina Butch Francisco, Lolit Solis at Joey de Leon.

Last Saturday, which coincided sa kanyang nth birthday ay muling pumailanlang ang tinig ni Francis sa Startalk and at that time, nasa Medical City siya for another round of chemotherapy.

Aminado si Kiko na sobrang sakit ng pinag-daanan niya sa pagpapagamot but he has to bear the pain dahil sa mga taong nagmamahal sa kanya. Especially sa mga kasamahan niya sa Eat Bulaga ng TAPE Inc. at GMA Network.

Naulit din ang fund raising campaign ng Bulaga Dabarkads, headed by Ms. Malou Choa-Fagar at Allan K, para kay Francis last Sept. 13, (Saturday), nagkaroon ng show sa Zirkoh Timog at isang malaking tagum-pay ito.

Nitong nagdaang Sabado, again sa Zirkoh Timog, muling dumagsa ang tao para sa tulong sa sikat pa ring rapper. Tulad nang naunang fund raising show, isang malaking tagumpay ito.

Sabi nga ni Francis, “Kailangan kong mag-survive for the sake of the people na nagmamahal sa akin. Unti-unti nang bumabalik ang red blood cells at platlets ko and in due time, babalik na ako sa GMA at Bulaga,” wika pa niya.

* * *

KAY Atty. Joji Alonso namin unang nalaman that veteran actress Gina Pareño had won another international Best Actress award para sa kanyang pagganap sa indie film na Serbis ni Direk Dante Mendoza who had just won an Urian Best Director award for Tirador, sa katatapos lang na 31st Gawad Urian Awards Night.

Nanalo si Gina sa 6th International Pacific Meridian Film Festival (IFMFF) sa Vladivostok, Russia. This brings to six international best actress awards for Gina. Sa Kub-rador, where she plays a jueteng collector, Gina collected five international best actress trophies.

Maliban pa ito sa naiuwi niyang acting awards mula sa 2007 Golden Screen Awards (GSA)ng En Press at Urian Awards nung isang taon.

* * *

AYON kay Sunshine Dizon, back to normal na raw ang takbo ng kanyang buhay after she took a leave of absence from showbiz dahil sa pagka-kasakit niya ng migraine at naging sanhi ng pag-kakapasok niya sa hos-pital.

“Mga three months lang naman akong nawala. Pagkatapos ng Kamandag, dapat isusu-nod ko yung Gaano Ka-dalas ang Minsan, pero naospital na ako. But now, after almost three months, I’m back in form at handang-handa na akong magtrabahong muli,” sabi ni Shine nang humarap sa entertainment press para sa contract signing niya bilang endorser ng Best Herbal Oil.

Nang humarap si Ro-bin Padilla sa solo presscon nito para sa Sundo at bago siya umalis patu-ngong ibang bansa, nabanggit ng action superstar na gustung-gusto ni-yang katrabaho si Shine. Puring-puri niya ang aktres. Tuwang-tuwa naman si Sunshine sa mga binitiwang papuri sa kanya ni Binoe.

“Oh, talaga? Sinabi ba ni Kuya (tawag niya kay Robin) ‘yon? Wow, okey, ha? Well, the truth is, first movie ko ‘yon with him. Super-saya ako dahil sa set, hindi ko naramdamang mag-karoon ng stress and considering na we’re doing horror film, ‘di ba?

“Tawanan lang kami sa set. It’s really fun wor-king with Kuya. Best friend ko ‘yon, pati nga driver at bodyguard ni-ya, kaibigan ko rin. ”

Hindi itinanggi ni Sunshine na nakaranas rin si-ya ng pagiging gentleman ni Robin sa mga leading lady nito sa pelikula man o TV. Hindi ba siya niligawan ni Robin habang ginagawa nila ang pelikula?

“Dalawa lang ‘yan, either hindi niya ako type o feeling niya, eh, lalaki rin ako,” na sinabayan niya ng malakas nat awa.

Hindi pa rin maubos ang masayang kuwento ni Sunshine tungkol sa Sundo kung saan kabituin din niya sina Katrina Halili, Rhian Ramos, Mark Bautista at marami pang iba. The movie is under the direction of Toppel Lee at nakatakdang ipa-labas sa mga sinehan sa Oct. 22.

Maliban sa pelikulang Sundo, kinakarir ngayon ni Shine ang apat na episodes ng Obra na magsisimula sa Oct. 9 (Thursday).

After Katrina Halili at JC de Vera, it’s Shine’s turn to showcase her acting talent via Obra na pa-mamahalaan ng apat na magagaling na direktor katulad nina Maryo J. delos Reyes, Jun Lana, Toppel Lee at Joel Lamangan.

Source: Taliba