Ginger at Atom sa UKGAuthor: Abante ISANG linggong magsi-celebrate ng kanilang ika-2nd anniversary ang Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN, simula ngayong umaga. At dahil dalawang taon na sila, dalawang bagong katropa ang sasali sa kanila, ang magandang si Ginger Cornejero at ang guwapung-guwapong si Atom Araullo. Si Ginger ang maghahain ng pinakamainit na showbiz balita, at si Atom naman ang magiging kinatawan ng mga kabataan. “I am excited and at the same time nervous because I have really big shoes to fill. Isa ang showbiz segment sa inaabangan sa UKG and nakagawa na ng marka 'yung mga naunang hosts sa akin like Rica Peralejo and Ogie Diaz,” sabi ni Ginger. Siyempre, buo pa rin ang tropa nina Pinky Webb, Alex Santos, Anthony Taberna, Kim Atienza, Bernadette Sembrano, Donita Rose, Winnie Cordero, at Rica. Source: Abante |