|
|
| Gladys, miss na si Janno!![]() Author: Jun Nardo "HINDI ako buntis at hindi rin kami hiwalay ng boyfriend kong si Philip!" deklara ni Gladys Guevarra nang magkausap kami isang araw matapos siyang bumalik sa Pilipinas mula sa Amerika. In fact, ipinakita pa ni Gladys ang singsing na binili sa kanya ng Fil-Am boyfriend niyang based sa New Jersey at nagwu-work sa New York City. Last August umalis si Gladys ng bansa, kasabay ang boyfriend niya. Tatlong buwan din siyang nanatili roon hanggang sa magdesisyon siyang umuwi. Hindi man diretsong sinabi ni Gladys ang dahilan nang biglaang pag-uwi, feeling namin, hindi siya pinayagan ng US Immigration na magtagal ng six months sa Amerika. Ilang beses kasing nagpabalik-balik si Gladys this year sa Amerika para magbakasyon at mag-show sa New Jersey at Los Angeles. Although meron siyang US visa na allowed ang multiple entry, hindi rin pala puwede �yung pabalik-balik siya ng ilang beses. Pero hindi ba siya niyayang pakasal ni Philip doon? "May plano rin kami pero ayaw rin naming basta na lang papasok sa ganyan. Nasa stage pa rin kami na getting to know each other and we enjoy each other�s company," pahayag ng singer-comedienne. Ano ba ang nagustuhan niya kay Philip? "He�s very sweet! Buhay prinsesa ako sa kanya at komportable ang naging buhay ko sa araw-araw na pagsasama namin. Very thoughtful pa," dagdag pa ni Gladys. Does that mean na naka-move on na siya sa intriga sa kanila ni Janno Gibbs? "Oo naman! Ready na rin akong gumawa ng show na kasama siya. Hit naman ang team-up namin at nakaka-miss din �yung mga shows na pinagsamahan namin," rason ni Gladys. Wala pang katiyakan kung kelan ang balik ni Gladys sa Amerika. Tutal naman daw, kahit nasa Amerika si Philip, patuloy pa rin ang tawagan nila, huh! "Hindi ko nga gusto noon ang long distance love affair, huh! But with Philip na umaga, tanghali, gabi kung tumawag, napanindigan namin �yon!" sabi ni Gladys. Ngayong nandito na si Gladys, of course, balik-trabaho siya sa Klownz at Zirkoh Comedy Bars at kung may offer ang GMA na show, taus-puso niyang tatanggapin ito. *** Unfair naman sa ibang artista ng Zaido ng GMA 7 ang nasusulat na dahil sa mataas na ratings ng programa, hindi apektado ang viewers sa kontrobersya kay Dennis Trillo. My God, huwag sabihing si Dennis lang ang nagdadala ng fantaserye, huh! May following din naman siguro sina Aljur Abrenica, Marky Cielo, Ian de Leon, Jay Manalo, Paolo Ballesteros, Raymart Santiago, Pauleen Luna at Diana Zubiri. Eh, kung iisa-isahin natin ang letra ng Zaido, puwedeng sabihing ang letrang D ay kay Diana patungkol, huh! Idagdag pa rin ang letter Z na puwedeng Zubiri rin, �no? Sa ngayon, masasabing hindi pa apektado ang career ni Dennis sa pananahimik niya sa Carlene Aguilar-Cristine Reyes brouhaha. Pero in due time, tiyak na may epekto ang pangyayaring ito sa kanyang career. Alam niyo naman ang ugali ng mga fans. There are questions na dapat sagutin si Dennis. May mga tanong noon ang mga tao na hindi niya sinagot ng tama o totoo. At sana lang, matuto si Dennis na harapin ang lahat ng mga pangyayari sa buhay niya. *** Matitikman na ngayong gabi ang bagsik ng Kamandag ni Richard Gutierrez! Mapapanatag na rin ang isipan ni Redgie Acu�a-Magno, ang program manager ng ahas-serye, dahil huhusgahan na ng manonood ang pinaghirapan nilang programa. Sa TV plug ng Kamandag, makikitang matindi talaga ang pagsasagawa ng Kamandag. Idagdag pa riyan ang magagarbong costumes ng mga cast, lalo na �yung apat na tribung pinamumununa nina Johnny Delgado, Gardo Versoza at Eula Valdez, Francine Prieto at Zoren Legaspi at Benjie Paras. Tutal, nasa momentum ngayon ang GMA 7, sure hit na naman ang Kamandag sa televiewers anuman ang sabihin ng ilang tao riyan, huh! After all, you cannot argue with success! *** For comments and suggestions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com. Source: Abante |