|
|
| Glaiza at Patrick hindi na mapaghiwalayAuthor: Noel Asiñas HINDI na talaga mapaghiwalay sina Glaiza de Castro at Patrick Garcia. Kahit tapos na ang soap nilang pinagsamahan na Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin, ay napagkikita pa rin silang magka-date. At sa bawat lakad nina Glaiza at Patrick, may ka-four-some sila. Ang hindi rin mapaghiwalay ngayong sina Maxene Magalona at JC Tiuseco. Recently, nakita ang four-some sa launching ng bagong store ng mga kamiseta ng yumaong ama ni Ma-xene na Francis Magalona, sa East Wood mall. Siyempre, ang punong abala ang butihing ina ni Maxene na si Pia Magalona. Naging highlight sa pagbubukas nito ang performance ng pamilya ni Pia Magalona at maging si Maxene ay kumanta rin. Sa ngayon ay wala pang balitang kung may bagong soap sina Maxene at JC, pero si Glaiza ay suwerteng kasama sa Stairway to Heaven bilang si Eunice, ang kontrabida sa love story nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos. * * * ISANG tunay na mom si Suzi Entrata-Abrera kapag Saturday at Sunday. Feel niya ang pagiging mother sa mga araw na ito dahil ginugugol niya ang oras sa pakikipag-bonding sa mga anak. Ipinagluluto niya ang tatlong anak na babae na sina Leona,6; Jade,4; at Antonette,3; at pati ang mister na si Paolo Abrera. Nakausap namin si Suzi sa presscon ng bagong show nila ni Christine Jacob sa Q TV 11, ang Full Time Moms, na mapapanood sa October 12, Monday to Friday, 7:30 to 8:30 p. m. Kaiba ang Full Time Moms sa dating Moms ng Q TV 11 dahil hindi lang may interviews sa celebrity, may source person din na kakausapin plus games na tiyak kagigiliwan ng mga misis. Tinanggap ni Suzi, ang Full Time Moms kasi dalawang araw sa isang linggo lang ang taping para dito. Hindi rin daw siya mapapagod kahit pa may dalawang daily shows siya sa GMA-7 at QTV11. Kahit busy si Suzi, hindi pa rin niya pinababaya-an ang kanyang beauty at figure kaya lagi raw siyang nag-e-exercise at kumakain ng tamang pagkain. * * * IBANG pagka-macho naman ni Paolo Contis nga-yong gabi sa OC To The Max. Tatawagin siyang si Chef Sal Salvatore, isang cook kasama ang 3 Timawa Ladies. Sa kitchen ang eksena, habang nagkukuwento ng contest ng paramihan ng makakaing dahon ng nettle plants, isang uri ng maanghang at mapait na dahon; paramihan ng matsitsibog na hotdog; karera ng mga baboy; karera ng soapbox na may nakakatuwang designs; banggaan ng mga bulok na kotse at banggaan din ng mas maliit at tatlong gulong na mga sasakyan. * * * MATATAWA na naman kayo sa pinaggagawa nina Jose Manalo at Wally Ba-yola sa Wow, Hayop, sa Miyerkoles ng gabi pagkatapos ng Shining Inheritance sa GMA-7. Sila ang talunang aso at ang amo sa reality dog show na Greatest American Dogs bilang sina Ron at Tillman. Contest ng bone borrow ang ipakikita sa naturang episode. * * * KAHIT bagyo ay napansin naming pinilahan parin last Saturday ang Yaya and Angelina, Spoiled Brat Movie sa mga sinehan. Nang napadaan nga kami sa Shangri-La Plaza Mall, may mga grupo ng nagdi-date ang naghahanap sa movie nina Ogie Alcasid at Michael V na hindi naman palabas sa naturang sinehan. Narinig naming pupunta na lang sila ng SM Megamall para doon manood. Patunay na kumita sa first day sa buong Pilipinas ng P10 million ang movie na ito nina Ogie at Michael V na produced ng GMA at APT Films. Source: Taliba |