Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Glaiza de Castro 'di na muling 'guguluhin' ni Patrick Garcia

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

HINDI na muling nanuyo o nanligaw si Patrick Garcia kay Glaiza de Castro buhat nang huminto ito last January.

Tinutotoo ni Patrick ang sinabi nito kay Glaiza na hindi na siya mangungulit. Pero manliligaw siyang muli rito kapag ready na ang dalaga ni Aling Cristy Galura na tumanggap ng manliligaw.

In fairness kay Patrick, wala kaming nababalitaan na nililigawan niya nga-yon. Maliban lang nang minsang natsismis silang dalawa ni Maxene Maga-lona sa sobrang bonding nila sa set ng Kung Aaga-win Mo ang Lahat Sa Akin.

May sagot kaagad si Glaiza tungkol dito nang nakausap namin sa presscon ng SRO Cinema Serye presents Life Story of Eva Castillo, ang babaing tumatalo noon kay Regine Velasquez sa mga si-nging contest.

Ani Glaiza: "Kaya sobrang click sina Patrick at Maxene sa set dahil pareho silang kalog. Mahilig silang gumawa ng katatawanan. Kaya ang saya-saya nilang dalawa palagi. "

Pero, wala naman daw ligawan na nababalitaan si Glaiza sa dalawa.

Sa pagkakaalam ng press people na dumalo sa presscon ng Eva Castillo Story, may karelasyon na non-showbiz ngayon si Maxene. Hindi naman niya ito idinidenay sa kanyang mga interview. College sweetheart daw ni Maxene ang kasalukuyan niyang BF. Ibig sabihin ay isa rin itong Atenista. Nag-aaral ng Interdisciplinary studies si Maxene sa Ateneo.

Sa SRO, gagampanan ni Glaiza ang teenager at nagdadalaga nang si Eva Castillo. Matatapos ang role niya bilang Eva sa pagsisilang ng unang anak na isang lalaki, si Junu.

* * *

PUNUNG-PUNO ng malalaking artista ang SOP ngayong Sunday dahil unang-unang aabangan ang pagsasayaw ni Aling Dionisia, ina ni Manny Pacquiao, sa show. Hindi pahuhuli si Dingdong Dantes dahil may launching ang kanyang dance video sa show.

Launching din dito ng Chacha Muchacha ng Sex Bomb na si Rochelle Pangilinan.
Darating ang buong cast ng SRO Presents: Eva Castillo Story">The Eva Castillo Story.

* * *

MASAYA ang buong cast ng Kay Tagal Kitang Hinintay episode ng Dear Friend.

Kasi, panalo sa ra-tings game ang premiere airing ng mini-series. Nasabik kasi ang maraming fans nina Sunshine Dizon at Polo Ravales sa ka-nilang muling pagtatambal.

Dating magkarelasyon sina Shine at Polo sa tunay na buhay. Pero nag-break sila at naging magkaibigan na lang.

Ngayong Sunday afternoon, pagkatapos ng SOP ay continuation ng Kaya Tagal Kitang Hi-nintay.

* * *

MASARAP panoorin ang Kap's Amazing Stories ni Bong Revilla ngayong Sunday dahil ang tatalakayin niya ay ang 'di matatawarang kayamanan sa mundo na na-discover ng mga tao.

Unang-una sa lista-han ni Bong ay ang Russian State Diamond Fund. Dito nakalagak ang kayamanang iniwan ng lahat ng rulers ng Russia .

Sa Peru , may nahulog daw na meteorites kung saan maraming mamaha-ling batong taglay. Bale ang batong ito ay tinata-wag na hulog ng langit.

May kayamanan din ang isang cave sa Ireland. Natuklasan itong naglalaman ng iba't ibang mahahaling gintong bar-ya na sinasabing pera pa ng sinaunang Roman Empire.

Ilan lang ito sa kayamanang na-discover ng tao na ilalahad sa Kap's Amazing Stories pagka-tapos ng Showbiz Central.

* * *

DADALHIN na naman tayo ni Joey de Leon at mga kasama niya sa iba't ibang lugar sa mundo pa-ra sa kanyang Joey's Quirky's World.

Entertaining ang programa at punumpuno ng mga bagong kaalaman. Maraming nanonood nito tuwing Sabado at Linggo at 11:30 am. Kaya naman laging no. 1 ito sa ratings game.

* * *

AYAW talagang lumabas sa soap ni Chris Tiu. May inialok ang GMA7 na guesting role kay Chris sa isang existing soap ng network. Ti-nanggihan ito kaagad ni Chris sapagkat wala raw siyang oras dahil sa training niya sa Philippine Team ng Basketball.

Kahit isang araw lang ay talagang hindi raw ma-pilit si Chris. Kaya iisipin talagang iniiwasan ni Chris ang pag-arte. Puwede sana siyang i-groom na leading man ng GMA. Pero, talagang hanggang hosting lang ang binatang basketbolista.

May nagsasabi na-mang ayaw niyang maintriga kahit sa sinumang babae sa showbiz. Anyway, ngayong Monday ay mapapanood muli si Chris sa Ripley's Believe it Or Not.

Samahan si Chris Tiu sa Ripley's Believe It Or Not ngayong Lunes, July 20 pagkatapos ng Fated to Love You.

Source: Taliba