|
|
| Glaiza de Castro kinaiinggitan sa Kapuso networkAuthor: Noel Asiñas IKINARANGAL ni Glaiza de Castro ang pagka-kapili sa kanya ng GMA7 na gumanap bilang Eunice ng Stairway to Heaven. Biggest break niya ito so far. Sa Korean soap na ito na nag-hit sa Pilipinas, makikipag-agawan siya kay Rhian Ramos sa pag-ibig ni Dingdong Dantes. Magsisimula sa ere ang Pinoy version ng Stairway to Heaven Sept. 7. Nang nakausap namin si Glaiza sa isang publication party, nasabi niyang nagbunga ang kanyang pagsisikap sa lahat ng projects na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network lalo na sa top-rater afternoon soap na Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin. Dahil sa pagganap niya rito, napansin ang effective acting ni Glaiza at napili nga si-yang gumanap na Eunice sa Stairway to Heaven. Balita namin, labis na kinaiinggitan si Glaiza ng ilang kabataang aktres sa Kapuso network dahil sa kanya napunta ang pina-kamimithing role ng lahat. TUMULONG nang husto si Melanie Marquez sa activities ng Supreme Student Council of Arellano University School of Law. May fund raising campaign ang grupo para sa mga graduate student ng law na kukuha ng board exams. Nag-produce ang grupo ng fashion show na may titulong Bleed Purple na gaganapin ngayong Sunday, (Aug. 9) sa Arellano University Law School sa Taft Avenue, Manila. Overall-coordinator ng fa-shion show si Melanie. Lalabas din siyang finale performer sa show. Kasama niyang rarampa ang law students ng Arellano University. Si Melanie rin ang choreographer ng palabas. Ang pangunahing sumusuporta ng show ay ang Psalmstre Enterprise, manufacturer ng New Placenta soap na apat na taon nang endorser si Melanie Marquez. Dadalo ang president ng Psalmstre na si Jaime Acosta sa affair. May nakatakda pang activities ang Supreme Student Council of Arellano University School of Law at ayon kay Mela-nie, handa ulit siyang 'magpagamit' sa sama-han dahil mahal niya ito. * * * BIG celebration para sa dalawang big stars ng GMA7 sa SOP ngayong Sunday. Sabay na magsi-celebrate sina Marian Rivera at Iza Calzado. Darating din ang malalaking artista ng Darna bilang laun-ching ng bagong telefantasiya ng Siyete. Bukod dito, darating din ang lahat ang malalaking si-ngers ng SOP para magpakita ng kanilang mala-concert performances. * * * IBANG putaheng drama naman ang handog ng Dear Friend dahil sisimulan na ang first episode ng Magkaribal na ga-gampanan ng mga sikat na artistang sina Jennylyn Mercado, Wendell Ramos at Jean Garcia. Punung-puno ng ma-damdaming mga tagpo ang istorya dahil mag-aagawan ang mag-ina sa iisang lalaking pareho nilang iibigin. Sino kaya ang magpaparaya kina Jennylyn at Jean para sa pag-ibig ni Wendell? Mapapanood ang Dear Friend pagkatapos ng SOP. * * * KAHIT busy si Sen. Bong Revilla bilang mambabatas sa Senado, hinding-hindi niya nakakalimuan ang pagti-taping para sa programa niyang Kap's Amazing Stories na napapanood tuwing Sunday pagkatapos ng Showbiz Central. Mahal ni Bong ang programa dahil maraming kabataan, at maging ma-tatanda, ang nahuhuma-ling sa iba't ibang istorya ng buhay ang kanyang tinatalakay sa show. Ka-kaibang istorya, pero pa-wang katotohanan. * * * DADALHIN naman tayo ni Joey de Leon sa kanyang programang Joey's Quirky's World ngayong Sunday sa Taiwan para saksihan ang kakaibang gawain sa Zhong Zheng Park at Zhong Shan Subway Station . Tapos, dadalhin tayo ni Joey sa Indonesia para bisitahin ang Borobudur Temple. Tuloy si Joey sa Brazil upang saksihan ang 2 greatest attraction ng bansa. Bukod pa rito'y magbibigay ng celebrity trivia si Joey para sa ikaliligaya ng kanyang manonood. Mapapanood ito sa Sunday bago ang SOP. Source: Taliba |