Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Glaiza nagmamaldita kay Rhian

Author: Letty G. Celi
Column: Screen Talk

WORRIED din pala si Glaiza de Castro sa bad girl roles na ginagampanan niya sa primetime shows ng GMA-7.

Sa Kung Aagawin Man ang Lahat sa Akin, mara-ming homeviewers ang nagagalit sa kanya dahil sa sobrang pang-aapi nilang mag-ina na si Jackielou Blanco kay Maxene Magalona.

Minsan ay nagulat si Glaiza nang may lumapit sa kanyang bading at sinabihan siya ng, "Ang salbahe mo!" na ikinaloka ng young actress.

Naku, knowing mo naman ang fans, akala ay totoo ang ginagawa ng mga artista sa pelikula at TV shows, lalo na kapag inaapi ang idolo nila.

Ngayon, humanda ka Glaiza dahil lalong mara-ming maiinis at magagalit sa iyo sa gagawin mong pagmamaldita kay Rhian Ramos sa Pinoy version ng Koreanovelang Stairway to Heaven na mapapanood na this Monday sa GMA-7.

I am sure, makakatikim ka na naman ng masasakit na salita sa fans si Glaiza, kasi totoong-totoo ang ginagawang pananakit nito at ng nanay niyang si Jean Garcia kay Rhian na lalabas sa role ni Jodi.

Grabe sa ganda ng pagkakagawa ang local version ng Koreanovela na love na love ko, pati ng aking mga apo.

Promise, loyal viewers kami ng nakakaiyak na Koreanovelang ito ng GMA-7.

Sabi ng isang sarkastikong showbiz writer, bakit daw pinapanood natin ang mga hindi naman gawa sa atin. Kaya hayan, may mapapanood na tayong local version nina Cholo and Jodi ngayong Lunes ng gabi.

Tiyak na pakikiligin at paiiyakin nina Dingdong Dantes at Rhian ang mga manonood sa kanilang bersiyon ng Stairway to Heaven, sa direksyon ng dalawang magagaling na young movie/TV directors na sina Bb. Joyce Bernal at Andoy Ranay.

Ang iba pang kasama sa bagong serye ng Kapuso ay sina Jean Garcia, Jestoni Alarcon, TJ Trinidad, Sandy Andolong at Soliman Cruz.

Ang mga batang cast ay sina Jhake Vargas, Joshua Dionisio, Joana Marie Tan.

Introducing din ang Amerikanong si Paul Holme at Carlo Gonzales, ang poging pinsan ni Dingdong na nag-aaral ng Culinary Arts para malaman ang mga dapat ipakain sa amang may sakit.

At take note, ang kumanta ng theme song ng Stairway to Heaven ay ang HerBench endorser ng Reigne na si Regine Velasquez, huh!

* * *

NGAYON pa lang ay hindi na mapakali ang ilang diehard fans ni John Lloyd Cruz, dahil sa malapit nang i-showing na In My Life ng Star Cinema Films.

Ang maganda sa fans ngayon, hindi lang si Lloydie ang sinusuportahan nila kungdi maging si Luis Manzano at ang Star for All Seasons na si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.

Sa true lang, may kaya ang grupo, kasi bukod sa may mga trabaho sila, legit rich din sila!

Kaya naman walang takot gumasta ang mga ito at kahit ilang beses panoo-rin ang In My Life ng kanilang idol ay no problem.

Kunsabagay, maganda ang pelikula na directed by my favorite Olive "Inang" Lamasan.

Hindi n'yo ba napapansin na ang direktorang ito, habang tumatagal sa kanyang craft ay lalong gumagaling. Kumbaga sa alak na inimbak, lalong sumasarap ang lasa.

Source: Taliba