|
|
| Gloria, natensyon kay Kris!![]() Author: Dondon Sermino AMINADO ang beteranang aktres na si Gloria Romero na fan siya ng game show ni Kris Aquino na “Kapamilya Deal or No Deal.” “Nagi-enjoy akong panoorin si Kris. She is magnificent. Tagahanga niya ako,” sabi ni Gloria sa isang panayam bago siya mag-tape para sa KDOND noong kaarawan niya. Maging sa panonood daw sa kanyang bahay ay hindi niya mapigilang pagalitan ang mga contestant at mangi-alam kung sila ay mag-deal sa offer ni Banker o hindi. Kaya naman ganun na lang ang kaba niya nung masubukan na niyang maging studio contestant ng KDOND, sa episode na ipapalabas sa bukas (Dec. 25). “I know naman that it is just a game, pero siyempre hopeful pa rin ako manalo lalo pa at kaarawan ko ngayon,” sabi pa niya. Kung sakaling masungkit ang milyon, nais ipamahagi ni Gloria ang ilang bahagi ng pera sa mga mahihirap na bata sa lansangan, sa simbahan at sa World Vision na kanyang sinusuportahan. “Sa dami ng binigay sa aking biyaya ng Diyos at maging ng ABS-CBN, I will definitely share and make everybody happy especially this Christmas,” sabi pa ni Tita Glo. Si Tita Glo ay napapanood sa “I Love Betty La Fea” at kabilang din sa cast ng nalalapit na seryeng “Maruja.” Mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa bagong Komiks series na pinagbibidahan ni Shaina Magdayao, ang Dragonna. At sa pagpapatuloy ng kwento, madidiskubre ng tatlong bumbero na sina Narcisso (Bayani Agbayani), Elmo (Long Mejia) at Junior (Arnold Reyes) na tubig ang panlaban sa 'nagliliyab' na temper ni Rona (Shaina Magdayao). Dahil sa argumentong kinasangkutan ni Rona at Edgar (Jake Cuenca) magiging protective ang tatlong bumbero kay Rona lalo na pagdating sa lalaki. Sa kabilang dako, dahil sa pambubuyo ng mga teammates ni Edgar (Jake) sa basketball, liligawan ni Edgar si Rona hanggang mapaibig niya ito. Hindi nga lang alam ni Rona na isang plano lang ito para masaktan siya. Naku, magliyab kaya ang damdamin ni Rona kay Edgar? Abangan! Source: Abante |