Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Glory days ng showbiz, gustong ibalik ni Mega

Author: Mercy Lejarde

SA preskon ng BFF (Best Friends Forever) starring the "bigatins" of ABS-CBN and Star Cinema, Sharon Cuneta and Ai-Ai de las Alas, nasabi ng una na gusto niyang maibalik ang glitter at glamour sa showbiz by producing more movies.

That way, marami raw mabibigyan ng trabaho "at para marami rin tayong matutulungang mga kaibigan natin sa press at nang marami kayong maisulat. Gusto kong maibalik 'yung glory days ng '80s," added na sey pa ng tumayong matron of honor sa "secret wedding" nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Harinawa'y magbibig-anghel ka, Sharon. Kami man, gusto naming maibalik ang sigla ng showbiz nu'ng '70s, '80s at '90s, tsuk!

Incidentally, sa episode ng Sharon sa ABS-CBN sa Linggo, magkakaroon ng BFF promo with Ai-Ai, Direk Wenn Deramas, Chokoleit at John Estrada.

I-expect na natin ang katatawanan, dahil sabi nga, laughter is the best medicine, devah naman, Ian F. ?

* * *

SA storycon-cum-mini-presscon ng Dukot (Desaparecidos) ng ATD Films ni Allen Dizon, nasabi ni Snooky Serna na kailan lang niya natuklasang may kulang na something sa kanyang brain kaya very slow siyang kumilos.

Kaya siya binansagang "pagong" sa showbiz.

After ng storycon, nag-emote si Snooky na na-hurt at na-offend siya sa patutsada ni Gina Alajar.

Habang nagsasalita raw siya, biglang sumingit si Gina at sinabing, "Huwag ka nang male-late, ha!"

"Nasaktan ako lalo't galing pa kay Gina Alajar na ate-ate ko noong araw. Gusto kong umiyak, kasi feeling ko, ginawa niya akong laughting stock.

"Sana she could have been more mature naman and more sensitive," added na sey pa ni Snooks, na tila hinahabol ng isyu at intriga.

* * *

NALULUNGKOT kami dahil ngayong Biyernes na magtatapos ang Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa GMA-7.

Pero, masaya na rin dahil pareho nang umamin ang dalawa in pubiic na mahal nila ang isa't isa.

'Yon na, Karylle, tsuk!

* * *

HINDI namin alam kung alin ang uunahin ng bagong kasal na si Ryan Agoncillo. .. ang honeymoon nila ni Juday o ang auditions ng Talentadong Pinoy ng TV5 sa Live Caravan sa SM Mall of Asia Music Hall mamaya.

Anyway, our best wishes to Juday and Ryan, and may you go and multiply!

Source: People's Tonight