|
|
| Goma bumawi kina Bong, Jinggoy, Kiko at LitoAuthor: Gerry Ocampo NAG-REACT si Sen. Bong Revilla sa tinuran ni Richard Gomez sa isang interview na walang ginagawa ang mga artistang senador para sa industriya. Ani Sen. Bong, pasado na sa Senate at Congress ang batas na ipinaglaban niya para sa reduction ng amusement tax. Pirma na lang ni PGMA ang kulang. "Actually, magkatulong kami ni Sen. Jinggoy Estrada roon. Ang priority namin ay for the entire Filipino people, 'yung mas maraming makikinabang," esplika pa ng Kap's Amazing Stories host. Pagdating naman sa 2010 elections, ani Sen. Bong, "Kung ano ang maging desisyon ko, wala nang atrasan 'yon. Sana lang ay magtulungan kaming mga nasa showbiz imbes na magsisihan at magbatuhan ng hindi maganda. Mas mabuti na magkaisa kaming lahat. "Tulad ng sinabi ko noon, 'pag tumakbo si Sen. Jinggoy o si Batangas Gov. Vilma Santos sa pagka-bise presidente, aatras ako. Maggi-give-way ako para 'di magkalaban ang mga nasa showbiz," sabi pa ni Sen. Bong. Samantala, nilinaw naman ni Goma na he didn't mean to offend Sen. Bong, Jinggoy, Kiko Pangilinan or Lito Lapid. Ang sinabi raw niya ay patungkol sa lahat ng senador. "Namamatay na ang movie industry. What I have in mind is for all of us to work together to save it," bawi ng actor. * * * SA wakas, may debut album na si Jan Nieto, ang member ng You've Got Male quartet, sa ilalim ng Indie Music, distributed by Universal Records. Ang carrier single ng self-titled debut album ni Jan ay Bakit Kailangan Pang Lumayo?, isang composition ni Ogie Alcasid. Ilo-launch ito ngayong Linggo sa SOP, tapos magsisimula na ang mall promo tour ni Jan. May fans' day din sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong Linggo at ilo-launch ni Janno Gibbs ang sariling album kasabay ng isang bagong reality TV show. * * * SA May 28 na gaganapin ang 25th Star Awards for Movies sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University, 7 p. m. , na ite-televise sa May 31 sa ABS-CBN, 10:30 p. m. For the first time ay magkakasama sa awards night ang mag-inang Vilma Santos (Ulirang Artista awardee) at Luis Manzano (Darling of the Press nominee). Si Sharon Cuneta ay nominadong Best Actress para sa Caregiver habang si KC Concepcion ay nominado sa New Best Actress of the Year category. Makakalaban ni Mega sa Best Actress sina Anne Curtis (Baler), Mylene Dizon (100), Gloria Romero (Fuschia), Judy Ann Santos (Kulam), Jodi Santamaria (Sisa) at Irma Adlawan (Hubad). Maglalaban naman sa Best Actor sina John Lloyd Cruz (A Very Special Love), Jericho Rosales (Baler), Baron Geisler (Jay), Ronnie Lazaro (Yanggaw), Allen Dizon (Paupahan) at Aga Muhlach (When Love Begins). Sa Best Supporting Actor, nominado sina Phillip Salvador (Baler), German Moreno (Paupahan) Ricky Davao (Boses), Emilio Garcia (Walang Kawala) at Baron Geisler (Baler). Sa Best Supporting Actress naman, sina Gloria Romero (Paupahan), Tetchie Agbayani (Yanggaw), Sharmaine Buencamino (Ang Lihim ni Antonio), Tessie Tomas (100) at Snooky Serna (Paupahan). Source: People's Tonight |