|
|
| Goma, praktisado na ang nguso!![]() Author: Ruel Mendoza Sa pagbabalik ng Family Feud sa GMA-7, two seasons ang naging kontrata nito kaya for the next six months ay tatakbo ang show, na kung saan host muli si Richard Gomez. Kaya nga unang tanong kay Goma, na kung papayagan ba siyang lumabas sa TV kapag nakapag-file na siya ng kanyang candidacy sa November, dahil tatakbo nga siya bilang congressman sa ika-4th district ng Ormoc City. Sabi ni Goma, handa naman daw siya sa anumang mangyari dahil ang alam nga niya ay kapag nakapag-file na ng candidacy to run in any position, binibigyan pa ng enough time ang mga celebrities na tatakbo para tapusin ang mga commitments nila. “Nasa batas naman na bawal nang lumabas sa TV or pelikula kaming mga artista kapag malapit na ang campaign period. Baka nga umabot sa campaign period ang Family Feud since two seasons nga ito. “Pero may magagawa namang paraan ang GMA-7. Baka mawala muna ako pansamantala sa Family Feud para harapin ko ang kampanya. “But definitely I will be back kasi mami-miss nila ang kiss ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Goma. “Pero, ang mga hahalikan ko muna ay ang mga taga Ormoc! Ha! Ha! Ha! Ha! “Kaya praktisado nang husto itong nguso ko sa kampanya! Ha! Ha! Ha! Ha!” patuloy sa pagtawa si Goma. Nationwide nga ang Family Feud sa pagbabalik nito kaya ang mga families na mag-audition sa mga probinsya ng Cebu or Davao ay mabibigyan ng special treatment kapag napili silang mga contestants. “The families from the provinces will be given free board and lodging and airfare. Sagot lahat 'yan ng Family Feud. Kaya mas malaki ang budget ng show ngayon kaya mas masaya ang paglalaro ng pamilya. More than joining, magkakaroon pa sila ng chance na mag-bonding habang nagbabakasyon sila dito sa Manila. Kukunan namin ang mga special moments ng family from the time na paalis pa lang sila sa probinsya hanggang sa makarating sila dito sa GMA studios to play Family Feud,” sabi na lang ni Goma. Source: Abante |