Nov 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Goma, sa Ormoc na nakarehistro

Author: Nitz Miralles

Sa Sabado na, after Celebrity Duets 3, ang pilot ng Bitoy's SHOwwwwTime, ang bago at nakatatawang show hosted by Michael V.

Nahahati ito sa mga segment na Talbugan, Facemuck, Videokariran at Gaya Mo 'Yun.

Ang international contestants at bigger cash prize (P75,000) ang binanggit ni Bitoy na kaibahan ng SHOwwwwTime sa ibang talent shows.

Isa lang ang kakalabanin at may celebrity judges every week na kung tawagin ay "OMG" o "Official Manananggal" at kung may tie, sasama sa deliberation si Bitoy.

Siniguro niya na pilot episode pa lang, mapapasigaw na ang viewers sa kakaibang husay ng contestants.

Nag-stand-out sa kanya si Boy Bato na kumakain ng bato at ipinakita naman sa teaser si Boy Mantika na tila 'di napapaso sa mainit na mantika.

May naka-stand-by na medical team sa taping at insured ang mga contestant.

* * *

Kasama ni Richard Gomez ang manager na si Wyngard Tracy sa presscon ng Season 3 ng Family Feud at ipinakilalang manger din ni Lucy Torres-Gomez, anak nilang si Juliana at nina Wendell Ramos at John Estrada.

Sabi ni Goma, siniguro niyang gustong manager ang makukuha ng mga kasama niyang talents ni Douglas Quijano para walang sisihan.

Mas excited si Richard sa Season 3 ng Family Feud dahil nationwide ang audition at sagot ng GMA-7 ang board and lodging ng mga papasa rito. Gagamit na rin ng VTR para makasali ang pamilya ng contestants.

Two seasons uli tatakbo ang Family Feud o 26 weeks at walang conflict sa pagtakbo niyang congressman sa Ormoc City dahil last two weeks lang ang aabutin ng Comelec ban.

So, tuloy ang pagtakbo niya, anong political party?

"I'm prepared to run, mataas ang survey result ko, 54 percent, wala pa akong party. For the next two weeks, magde-decide ako kung anong party ang sasalihan ko.

"Walang magiging isyu sa residence ko dahil Ormoc na ang hometown ko at du'n na ako naka-register," say ni Goma.

* * *

Biniro si Rufa Mae Quinto sa presscon ng SRO Cinemaserye presents Moshi, Moshi I Love You na siya ang nag-devirginize kay Akihiro Sato sa TV series dahil sila ang magkapareha sa four-part series na this Thursday na ang pilot.

Fresh na fresh para sa dalaga ang binata at gusto niya ang kabuuan nito lalo na ang abs.

Balik-Darna pala si Rufa Mae at 'di na lang siya comic relief, may sarili na ring story ang kanyang character.

Anyway mamaya sa Darna, tinawag ni Valentina (Iwa Moto) ang mga ahas para atakihin ang babaing tuod, pero ipapagpag lang ni Tuod ang mga ahas.

Si Fr. Mateo (Eddie Garcia) ang haharap kay Tuod gamit ang crucifix at holy water. Pati si Gabriel (Alfred Vargas), walang laban kay Tuod at kita ng mga tao nang iwasiwas ito at papatayin na.

* * *

Sa Stairway to Heaven, nag-resign si Jenna (Rhian Ramos) sa company ni Cholo (Dingdong Dantes) na ikinatuwa ni Eunice (Glaiza de Castro) at akala'y wala nang problema. Darating si Cholo sa bahay nina Jenna at pinababalik ito sa trabaho.

Hiningi ni Eunice ang address ni Jenna at gusto niya itong sugurin. Magsusuntukan sina Cholo at Charlie (TJ Trinidad) at sasabihan ng una ang huli na kung walang itinatago, bakit pinagre-resign si Jenna.

Source: People's Tonight