Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gov. Vi tanggap ang pagiging bading ni Luis Manzano

Author: Mercy Lejarde
Column: Facts & Rumors

RUMOR: Hindi matatanggap ni Vilma Santos kung sa totoong buhay ay malaman niyang bakla pala ang anak na si Luis 'Lucky' Manzano, na ang role sa Star Ci-nema's latest offering titled In My Life ay closet queen at lover ni John Lloyd Cruz.

FACT: Sa grand presscon ng In My Life movie ay si-nabi mismo ni Gov. Vi na sakaling matuklasan niyang bakla si Luis in real life o kahit na sino pa sa kanyang anak ay maluwag niyang tatanggapin cuz she believes in the saying na:"Love your children for who they are, not for what you want them to be," na tema ng naturang pelikula.

* * *

RUMOR: Inis na inis daw si Judy Ann Santos sa kanyang biyenan (mother ni Ryan Agoncillo). At dahil sa inis ng Juday ay tinext ni-ya ang isang kaibigan at dito niya ibinunton galit sa kanyang sa mother-in-law. Kaso, na-wrong send siya at sa mismong taong kinaiinisan niya naglanding ang kanyang text message.

FACT: Yes, it's true. Inis na inis nga si Juday sa kanyang mother-in-law. Ti-next niya ang bestfriend niyang si Gladys Reyes tungkol sa mga bagay na kinaiinisan niya sa kanyang biyenan. Pero iyon ay sa episode George and Cecil na napanood kagabi sa ABS-CBN.

* * *

RUMOR: Hindi nakuhang makipagbiritan ni Megastar Sharon Cuneta sa international singing sensation na si Charice Pempengco.

FACT: Si Charice ang hindi umubrang matalbugan ang nag-iisang Sharon Cuneta ng ating bansa na napanood last Sunday sa programang Best of Musical episode ng Sharon, kung saan ay naki-paghatawan din si Mega sa kantahan at sayawan sa iba pa niyang guest celebs like Billy Crawford.

* * *

RUMOR: Inayawan ni Richard Gomez na makasama uli sa isang sitcom ang dati niyang co-star sa Palibhasa Lalake na si John Estrada.

FACT: Masayang tinanggap ni Richard Gomez ang offer ng TV5 na mag-guest sa sitcom ni John Estrada bilang balikbayang friend ni John. Tipong reunion ng dalawang Palibhasa Lalake hunks ang show na punumpuno ng kalokohan dahil bumabalik sila sa buhay-binata.

* * *

RUMOR: Maraming fans nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal ang 'di na umaasang magkakaroon ng happy ending ang naudlot na pag-iibigan noon ng kani-lang idols.

FACT: Good news sa fans nina Marvin at Jolina! Ma-papanood nila ang grand church wedding nina Mar-vin at Jolina sa GMA7's Adik Sa 'Yo kung saan ang dalawa rin ang nagkatulu-yan in the end. And who knows, mangyari rin ito in real life cuz sabi nga, no-thing is impossible naman.

* * *

RUMOR: Hindi nakakatawa ang Kimmy Dora na launching movie pa naman ni Eugene "Uge"Domingo at leading man pa mandin si Dingdong Dantes.

FACT: Sa true lang, mula umpisa hanggang ending ng pelikulang Kimmy Dora nu'ng press screening nito ay walang tigil sa kahahagalpak ng tawa, as in halakhak to the highest level , lahat ng press na nanonood, including yours truly. Kaya, go na at panoorin sa September 2 ang Kimmy Dora para ma-experience ang kakaibang comedy ni Eugene.

Source: Taliba