Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Greta at Tonyboy, ibinuking ni Janina!

Author: Vinia Vivar

Nag-first taping day na ang Stairway to Heaven noong Monday sa Malolos, Bulacan at naghahanap pa ang staff ng magagandang location, lalo na 'yung location ng resthouse ni Cholo (Dingdong Dantes).

Isa sa concerns ng staff ang pagta-transport sa gagamiting white baby grand piano dahil bawal ma-scratch.

Matutuwa ang nakapanood ng original K-novela dahil 95 percent ng istorya ang susundin sa Filipinized version. Sa 11 characters, isa lang ang nadagdag, kaya 'di malilito ang viewers.

Sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, TJ Trinidad at Glaiza de Castro ang major characters at kasama rin sina Jean Garcia, Jestoni Alarcon, Soliman Cruz, Karen delos Reyes, Carlo Gonzales, isang Caucasian character at Sandy Andolong.

Sa direksyon ito nina Andoy Ranay at Bb. Joyce Bernal at magpa-pilot sometime in September.

Para sa role ni Jodi, pinaiklian ang buhok ni Rhian at pinaitim. Sinasabi na rin ni Dingdong na may chemistry silang dalawa, kaya walang dapat ikatakot ang manonood ng STH.

* * *

Panay ang banat ng English ni Janina San Miguel sa presscon ng Celebrity Duets 3 at tama ang pag-i-English ng hitad.

Sabi tuloy ni SVP for Entertainment TV Wilma Galvante, baka ninerbyos lang ito nu'ng Bb. Pilipinas pageant, kaya mali-mali ang English.

Paulit-ulit nitong binanggit ang mga salitang "family" at "confidence" na minali niya ang pagbigkas sa beauty contest at kahit 'di tinapos ang reign, beauty queen pa rin. Nilinaw nga rin pala ni Janina na kaya hindi siya natuloy sa TV 5 ay dahil biglang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng may-ari nitong si Tonyboy Cojuangco at live-in partner na si Gretchen Barretto.

Matatandaang nagkaroon ng tsismis noon linking Janina kay Tonyboy.

Natawa na lang ang press sa kataklesahan ng hitad.

Samantala, in-introduce pa lang, pinalakpakan na si Akihiro Sato na magiging papable sa contestants dahil sa kaguwapuhan. Hirap pang mag-Tagalog ang binata at tunog Hapon ang Tagalog niya, pero nangakong mag-aaral ng salita natin dahil nag-decide na siyang mag-showbiz.

Pumirma siya ng two-year contract sa GMA Network at itong CD3 ang first show niya. Magkakaroon din siya ng cooking show at primetime show.

Filipinized na si Akihiro, na paborito ang adobo at favorite Tagalog word ang "mahal kita. "

Sa third week ng competition, Tagalog na ang kakantahin niya at namimili na between Miss Universe ng Buhay Ko at Binibini.

Pero, una niyang kinanta ang The Girl from Ipanema ka-duet si Julia Clarete at Bailamos with Mocha.

* * *

Nasa bansa ngayon si Imelda Papin para i-promote ang album niyang I Love You na distributed ng Viva Records at ang September 18, 8pm concert nila ni Melissa Manchester sa PICC, at Sept. 20 sa Waterfront Hotel, Cebu City produced ng Viva Concerts & Events.

Unang nag-concert ang dalawa sa Orleans Hotel Casino & Las Vegas at naging hit ang concert, kaya babalik si Imelda for more shows sa October at November. Mabait daw si Melissa at welcome rito na kantahin niya ang mga pinasikat nitong kanta.

First time na makakrating ng 'Pinas si Melissa at excited na ito. Matagal na raw nitong gustong may makasamang Pinoy singer at maayos ang pag-usap ng kani-kanyang managers, kaya walang naging problema sa concert nilang dalawa.

Samantala, pawang magagandang songs ang kasama sa bagong album ni Imelda na tiyak papatok hindi lang sa kanyang fans. Ang title-track ay siya ring carrier single na komposisyon ni Mon del Rosario. Released din sa States ang album, kaya mas maraming English song, pero ang album title ay Voice of the Heart.

Kinumpirma ni Imelda ang tsikang two blocks lang ang layo ng bahay niya sa Las Vegas sa bahay ni Michael Jackson, pero never niya itong nakita. Ang kilala at nakakausap niya'y ang ama nitong si Joe Jackson na nangakong manonood ng conert nila ni Melissa.

* * *

Hindi pa namin nakikita si Kris Bernal, kaya 'di pa namin alam kung gaano kalaki ang sunog sa braso dahil sa laser treatment.

Problema raw ng make-up artist ng All My Life kung paano tatakpan ang nasunog na parte ng braso nito.

* * *

Makakapahinga sandali si Iwa Moto dahil ang mga susunod niyang eksena, wala munang ahas sa ulo niya. Mabigat din ang ahas na inilalagay sa ulo ni Iwa dahil kasama sa rubber snakes ang 15 live snakes na mabigat daw 'pag busog at pumupulupot sa leeg niya.

May eksena mamayang nagpalit siya ng balat at totoong snake skin ang ginamit niya na makati raw, pero kailangang gawin dahil trabaho at ayaw niyang magalit si Direk Dom Zapata.

Samantala, isang batang kalye ang kakapitan ni Impi -- si Carding (Buboy Villar). Mababalitaan ni Darna ang tungkol sa bata at impakto at kanya itong haharapin.

Source: People's Tonight