|
|
| Gretchen Barretto talks about her sexy music video![]() Author: Glen Sibonga Aminado si Gretchen Barretto na mas nag-e-enjoy siya ngayon sa singing kaysa sa acting. Masaya si Gretchen na matapos ir-release ng kanyang successful debut album na Unexpected na nagbigay sa kanya ng kauna-unahan niyang Platinum Record award, ngayon ay labas na sa market ang kanyang second album na Complicated under Star Records. "Mas nag-e-enjoy ako sa singing kasi kaagad-agad nakikita mo yung resulta at reaksyon ng mga tao. Kung nila ng kanta or kung malungkot ang kanta, malungkot din sila. Parang you get instant result, di ba?" masayang wika ni Gretchen sa interview ng media kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na album launch at presscon sa 9501 restaurant ng ABS-CBN kahapon, March 31. "Kasi noong nag-MMK (Maalaala Mo Kaya) ako parang nanibago ako. Parang hindi na ako sanay. Pagkatapos noong, parang namaos ako, nagkasakit ako, kasi parang 24 hours yung trabaho dun, di ba? Parang hindi ko kaya yun ng three times a week, kaya hindi pa ako makagawa ng teleserye. Sa movies naman, naghahanap pa sila ng magandang story. And they said na it might be with Derek Ramsay. Nothing is final," paliwanag pa ni Gretchen. SEXY MUSIC VIDEO. Bukod sa complicated na lovelife ni Gretchen, isa sa pinag-uusapan ngayon ay ang sexy music video ng carrier single niyang Ready To Take A Chance Again, directed by Raffy Francisco. Isang half-Filipino, half-Persian model ang nakasama rito ni Gretchen na nagngangalang Sassan Shokouhi. Choice ba niya na magkaroon ng touch of sexiness ang music video? "Ay naku, si Direk Raffy ang sisihin n'yo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko," sambit ni Gretchen sabay tawa. "Binasa-basa niya ako dun kaya nagkasakit talaga ako at namaos. Pero happy naman ako sa outcome." What can you say about the kissing scene sa iyong music video? "Honestly, walang kissing yun. If you really look at it, never siyang tumama. And the camera was nasa likod ni Sassan. Mukha lang talaga nagki-kiss, pero hindi." Mabuti okay lang sa iyo to work with a new model, si Sassa? How is it working with him? 'Oh yeah, it was really nice.. Although siyempre hindi siya sanay sa industriya pa kasi model siya. Nahihiya pa siya, naiilang siya. Ninenerbiyos siya. Ang ginawa na lang namin ni Direk, sabi ko sa kanya, and he's 24 years old, kaedad lang niya yung mga pamangkin ko. So, I was telling him, relax. Kaya dinaya-daya na yung kissing scene namin. Sabi ko, just stay still, tapos ako yung parang tumatawa and all, to make it work." Ano kaya ang magiging reaksyon ni Tonyboy Cojuangco kapag mapanood niya ang music video na ito? "Hindi pa niya napanood, e, kaya wala akong reaksyon." SASSAN SHOKOUHI. Samantala, nakausap din ng PEP ang kapartner ni Gretchen sa music video na si Sassan, na present during the presscon. Akala nga ng PEP ay English speaking siya dahil nga sa pagiging half-half niya. Pero magaling pala siyang mag-Tagalog dahil dito na raw sa Pilipinas siya lumaki. Paano ka napili na maging ka-partner ni Gretchen? "Yung mga taga-Star Records ang pumili sa akin. It was Direk Raffy na nag-present sa akin sa Star records, tapos nun sa akin na nga napunta." Ano ang feeling? "Of course, I'm very happy kasi big star na si Gretchen." Kinabahan ka ba noong malaman mo na si Gretchen ang makakasama mo sa music video? "Oo, medyo. Nung first set namin medyo naiilang ako. Pero second set, okay na." How is it working with Gretchen? "It's very nice working with her. She's very beautiful, very professional. I am really overwhelmed. Hindi siya mahirap katrabaho kasi nga she's very professional. Gina-guide niya ako, very supportive siya," puri ni Sassan kay Gretchen. Nakapag-model na si Sassan sa mga billboards ng Master Hairwax, Mossimo at iba pang catalogues. Nagmo-model din daw siya sa abroad. Sa katunayan ay kababalik niya lang galing Taiwan . Ayon pa kay Sassan, bukod kay Gretchen nauna na niyang makatrabaho para sa billboard ng Gibi shoes si Nadine Samonte. Bukod kina Gretchen at Nadine Samonte, sino pa ang gusto mong makatrabaho sa showbiz? "Actually, kahit sino naman. Hindi naman ako namimili. Pero gusto ko ring makatrabaho si Kristine Hermosa," ani Sassan. Source: Philippine Entertainment Portal |