|
|
| Gretchen hindi uurungan ni MikaelaAuthor: Tonee Coraza Nakatagpo ng katapat si Gretchen Barretto kay Mikaela Bilbao, isa sa contenders ng Celebrity Duets 3 pero nag-beg-off for health reasons. Sa interview kay Mikaela sa Showbiz Central last Sunday nagulat kami ng hamunin nito si Gretchen na mag-file ng demanda laban sa kanya para makita ng sexy actress kung gaano siya katapang. Sangkot kasi si Mikaela sa kontrobersya with Gret-chen and Pops Fernandez. Handa naman daw maki-pag-usap nang maayos si Mikaela kina Gretchen at Pops pero pareho raw nagpalit ng cellphone numbers ang dalawa. "Ako ang pinalalabas daw na nagpalit ng numbers. Kita naman ninyo, nakontak ninyo ako sa same number. Sila ang nagpalit ng numbers. Tinatawagan ko sina Gret-chen at Pops pero iba na ang numbers nila. Sino ngayon sa amin ang nagtatago?" mataray na pahayag ni Mikaela. Binalaan na rin ni Mikaela si Greta na mag-ingat sa mga binibitiwang salita dahil hindi raw nito kilala ang kanyang kinakalaban. "Matagal ka nang sinusuwerte Gretchen. Pag-ingatan mo ang mga natatanggap mong biyaya. Once na mawala lahat 'yan sa iyo, makikita ng marami kung sino ang lalabas na kawawa sa ating dalawa," patutsada pa ni Mikaela. Pahabol pa niya, hindi raw siya magpapatalo sa isang Gretchen Barretto lang. * * * Mahigit dalawang taon din ang hinintay ni Richard Gomez na maibalik ang Family Feud sa TV kaya happy ang aktor na magsisimula na ulit ang game show sa Lunes kapalit ng Hole In The Wall nina Yaya and Angelina sa GMA-7. May pagbabago raw sa game show at magiging nationwide na ang pagpili sa magiging contestants. Tulad pa rin ng dati ay makakatikim ng kiss sa kanya ang lady contestant. Sa presscon ay naungkat din ang pagtakbo niyang kongresista sa Ormoc, na ayon kay Richard, may blessings ng mga magulang ni Lucy ang pagkandidato niya sa lalawigan. "Gusto na raw ng pagbabago ng mamamayan ng Ormoc at maging ng pa-milya ni Lucy. Hindi ko sila puwedeng biguin sa tiwalang ibinibigay nila sa akin," say pa ni Goma. Wala rin daw magiging problema pagdating ng kampanya dahil andiyan si Lucy na pansamantalang papalit sa kanya sa FF habang nangangampanya. * * * MAGPAPAALAM na sa ere ang Bitoy's Funniest Video ni Michael V pero papalitan naman ito nang mas kuwela at nakagugulat na show na siya rin ang host, ang Bitoy's ShowwwTime at co-host si Mang Enriquez, sa dati ring timeslot nito every Saturday sa alas-5:30 ng hapon. Sa launching ng bagong show ni Bitoy ay hindi naiwasan maitanong kung ano ang advantage ng Bitoy Showwww Time sa kata-pat na Talentadong Pinoy? "International at bigger ang Bitoy ShowwwwTime, meaning hindi lang mga kakaibang talent ng Pinoy ang masasaksihan sa bagong show dahil puwede din sumali ang mga nasa ibang bansa kung may kakaiba silang talent," maikling paliwanag ni Michael V. May judges din at may power si Bitoy na makialam sa hatol kapag nagkaroon ng tie. * * * Bago i-celebrate ang 14th anniversary ng Bubble Gang, sabay-sabay muna nating balikan ang mga hindi malilimutang kaganapan sa gag show sa loob ng mga nakalipas na taon. Muling mapapanood ang "Mabait na Pulis", "Insect Trainor", "Ayaw Uma-min", "Bampira sa Bara-ngal", "Boxing Trainor" at iba pang piling-piling gags at sketches na pinasikat ng nangungunang gag show ngayong Friday kasama sina Ogie Alcasid, Michael V, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto, Maureen Larrazabal at buong BG barkada pagkatapos ng Survivor Philippines sa GMA-7. Source: Taliba |