|
|
| Gretchen nag-share ng panalo![]() Author: Pilipino Star Ngayon Sa katatanong, nalaman din namin ang real reason kung bakit ilang linggo nang hindi napapanood sa Sunday musical show ng isang network ang gwapitong singer na produkto ng isang singing contest. Hindi lang siya pinag-bakasyon kundi sinuspendi dahil nag-attitude gayung hindi pa dapat dahil baguhan pa lang at wala pang napatunayan. Hindi pa nga sure kung sisikat siya o hindi, nag-feeling sikat kaya pinagpahinga muna. Ang tsika, pinayuhan ang male singer na itaas ang notes ng kinakanta para mas maganda ang dating at para makasabay sa mga kasama. Sa halip na simpleng "opo" ang sagot, humirit ng dialogue ng "'di itaas" na nagmamatigas ang tono. Nakarating sa management ang arteng hindi tama ng newcomer, kaya sinuspendi. Pasalamat ito't ibabalik din siya, pero * * * Ngayong Lunes ang blessing ng rest house nina Sunshine Dizon sa may Antipolo at plano nila ng inang si Dorothy Laforteza, kapag nagkapera sila ng malaki, gawing resort ang kanilang property. Maganda nga namang may pahingaan ang actress, tapos kikita pa sila't maganda ang Sunod na ibi-bless ay ang townhouse ng actress sa may Valle Verde. Magso-solo na nga ito at busy sa pamimili ng gamit sa kanyang bahay. Isa sa pinakamahal na gamit na binili nito'y stove dahil balak ipraktis ang natutunan sa culinary school 'pag wala siyang trabaho. Three-bedroom ang townhouse, malaki ang space at malapit pa kaya gustung-gusto ng actress. Excited itong lumipat at mamuhay na kasambahay lang ang kasama. Of course, welcome mag-stay sa house niya ang ina na lungkut-lungkutan sa nalalapit na paghihiwalay nila ng anak. Ang townhouse ang isa sa mga rason sa pagsisipag ni Sunshine ngayon at gusto nitong punuin ito ng gamit na siya mismo ang bibili. Tamang-tama namang kinuha siya ng GMA Films para sa pelikulang Sundo at ikinatuwa nito ang narinig kay Robin Padilla na ipinaglaban siya para makasama sa movie. By October or November, may sisimulang bagong TV show sa GMA-7 si Sunshine na bawal pang isulat. Excited na rin siya nang malaman kung sino ang makakasama niya rito. * * * Napili na ang 1st Pinoy Idol - si Gretchen Espina at Malalaking premyo ang napanalunan ni Gretchen at isa rito ang recording contract sa SonyBMG. Nag-share din si Gretchen ng tig-100 thousand kina Ram at Jayann dahil usapan na pala nila ito bago pa man mag-finals. May balita rin kaming ang winner ng Pinoy Idol ay maggi-guest sa December concert ni Ramiele Malubay, ang Fil-Am na naging finalist sa Season 7 ng American Idol. * * * Sa episode na Best Dressed, I Am ng Moms, ipapaalam ng guests na sina Joyce Oreña, Vicky Montenegro, Mari Kauffmann at Audrey Zubiri kung paano maging stylish at fashionable kahit hindi mamahalin ang inyong isusuot. Sa Q-11, napapanood ang Moms, Source: The Philippine Star |