|
|
| Gretchen, nakaganti na kay Claudine!![]() Author: Dondon Sermino MEMORABLE para kay Gretchen Barretto ang araw kahapon. Eh kasi nga, �yun ang araw na muli siyang humarap sa grupo ng entertainment columnist, makalipas ang labingdalawang taon. Kaya naman, pagbaba pa lang ni Gretchen, kasama ang mga lalakeng naka-barong na puti, kitang-kita mo na ang mga ngiti sa kanyang mukha. Masayang-masaya si Gretchen. Kahapon nga ang presscon ng Matakot Ka Sa Karma, ang comeback movie ni Gretchen mula sa OctoArts Films. At dahil may kinalaman sa karma ang pelikula, may temang karma rin ang kuwentuhan. Unang tanong kay Gretchen, kanino o sinong tao ang patutungkulan niya ng mga salitang �matakot ka sa karma?� "Sa mga gumagawa ng masama," nakangiting sabi ni Gretchen. Sinu-sino ba sila? "Alam niyo, masyado akong masaya today para isipin `yung mga� Parang ayoko kasing� "Kanino ko sasabihin? Sa mga gumagawa ng masama. "Parang alam niyo naman kung sino, `di ba? Guess who na lang kayo. First question, nakakakaba," nakangiting sundot pa ni Gretchen. Takot ba si Gretchen sa karma? "Takot ako sa karma. That�s why I try to be good as much as possible." Siyempre, hinding-hindi malilimutan ni Gretchen ang muli niyang pagharap sa kamera na umaarte matapos ang mahigit isang dekada. Sabi nga niya, para siyang bumalik sa simula, noong 14-years old pa lang siya. "Nu`ng ginawa ko `yung 14 Going Steady, `yung excited na excited ka, pero may halong kaba. Actually sumakit ang ulo ko nu`ng shooting. Kasi, parang hindi ko alam kung ano `yung mararamdaman. May kaba, tapos tinatanong ko sa sarili ko, kaya ko pa ba `to? "Nag-memorize ako ng mga linya ko. Normally kasi nu�ng araw, hindi ko na kailangang memoryahin ang mga lines ko. Tinitingnan ko na lang `yung script sa mismong shooting, alam ko na. "Pero dito, minemorya ko lahat, pero nu�ng sinabi ni Direk Joey (Reyes) na take na, nawala lahat. Ha! Ha! Ha! Ha! "Mabuti na lang �yung Assistant Director, binabato niya sa akin �yung mga lines ko. Pero after ng ilang sequences ko, feeling ko, aba, kaya ko na �to," kuwento ni Gretchen. Naging madali na rin daw kay Gretchen ang lahat dahil nga si Direk Joey ang katrabaho niya, na nakatrabaho na rin niya noong bata pa siya. "Nagsama kami sa In The Money. Director na siya. Almost 2 years kaming nagtrabaho. Baby pa ako noon. "Masaya siyang katrabaho. Madali. Walang tensiyon sa set. Nagpapasalamat ako na after 12-years siya `yung naging director ko." Teka lang, bakit horror movie ang ginawa ni Gretchen? Eh, puwedeng-puwede naman siya sa drama o love story? "Pang-filmfest kasi `tong movie. Ito `yung role na ibinigay sa akin. Nu`ng una, ang akala ko sa Enteng Kabisote ako makakasama. I was really wishing na sana Enteng Kabisote. "Pero, dahil parati namang hit ang horror pag filmfest, okey na `yon. Eh, ngayon lang yata ako gumawa ng horror. Something different. At least, hindi na siya ST (Sex Trip) movie, `di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!" Ang Ikaw Lamang na pinagsamahan nila ni Raymart Santiago ang huling pelikula na ginawa niya bago siya tuluyang nawala sa showbiz. "Magiging brother in law ko pala siya. May kissing scene ba kami ni Raymart noon?" Nanligaw ba si Raymart sa kanya noon? "Hindi yata! Pero, may kissing scene yata kami noon. At least, nahalikan ko na siya. Ha! Ha! Ha! Ha! "Kasi di ba, Tita Ethel (betaranang manunulat at manager ni Aga Muhlach), hinalikan din ni Claudine si Aga sa movie? So, nakaganti na ako sa kanya. Gantihan lang `yon. Ha! Ha! Ha! Ha!" humahalakhak na sabi pa rin ni Gretchen. Anyway, game na game si Gretchen sa pakikipagbiruan-sagutan sa mga manunulat. Sinimulan nga �yon nu�ng tanungin siya kung mahusay ba siya sa Matakot Ka Sa Karma. Eh kasi raw, si Claudine ay mahusay na mahusay sa Sukob. "I�m very good also! Magpapatalo ba tayo? Siyempre, hindi! Ha! Ha! Ha! Ha! I�m good! I think I�m good! Ha! Ha! Ha! Ha!" Sa poster ng �Karma�, prominent na prominent ang mukha ni Gretchen. Napapagitnaan nga siya ng mga mukha nina Rica Peralejo at Angelica Panganiban. "Ay salamat sa Diyos at hindi ako nagmukhang tita nina Angelica at Rica." Sa tingin ba ni Gretchen ay hahataw rin sa takilya ang pelikula niya? Matutulad din ba ito sa Sukob ni Claudine (with Kris Aquino) na limpak-limpak na salapi ang hinamig? "Oh my God, now I�m scared! Ha! Ha! Ha! Ha! "Well you know, 12-years akong hindi nagpelikula. I guess. Basta ako, binigay ko lahat ng best ko sa acting. And I enjoy the film. And `yun ang ini-expect ko na makita ng mga tao, na kapag lumabas sila (ng sinehan), they will feel good about it. "Hindi ako nakikipagkumpitensiya kahit kanino. I can only pray na sana ay kumita siya at tangkilikin ng sambayanang Pilipino ang pelikula namin. "Ibang Gretchen kasi ang makikita rito. Hindi ako naka-gown. Kasi normally di ba, kapag may affair, kapag awards night, nakikita nila na naka-gown ako. "Dito, makikita nila na naka-pajama ako. Nakapambahay. Nakatsinelas." Pero, ang tsismis noon, kaya gustung-gusto ni Gretchen na bumalik sa showbiz ay dahil gusto niyang irampa o i-display ang lahat ng mamahalin niyang damit at mga alahas, �di ba? "Narinig ko nga `yung tsismis na `yan. Pero, dito sa pelikulang ito, ni isang alahas wala ako. Ngayon lang ako nagsuot ng alahas. Pero puwede kong tanggalin. "At this stage in my life, hindi importante sa akin `yung may suot kang alahas. It doesn�t make me a big person. It doesn�t make me a better person. "And for the past 2 years siguro, kung maaalala niyo, wala na akong sinusuot na alahas, kasi parating napipintasan ako. Masyado akong naa-upstage ng alahas, kaya ayoko na siya. Ha! Ha! Ha! Ha! "Gusto ko ako ang nagsa-shine!" Siyempre, hindi rin naiwasan na mapag-usapan ang relasyon niya sa nanay ni Tony Boy Cojuangco, si Mrs. Imelda Cojuangco. Hindi ba, usap-usapan naman talaga ang problema sa pagitan nilang dalawa noon pa man? "Nag-uusap na kami! Bakit? Ha! Ha! Ha! Ha!" "You know, okey na kami ng mother in law ko. Hindi ko sasabihin na nag-uusap na talaga kami. Kasi, maraming nangyari in the past na mahirap na rin `yung biglang nag-uusap. "But, I write notes to her, and she writes back. So, I think, for now that�s all I can handle. "I can honestly say with all my heart that I don�t hate her (Imelda)! You know, I can say na tapos na `yung parte ng away na `yon. "Nu`ng araw kasi, naririnig ko pa lang `yung pangalan, naha-high blood na ako. Ngayon, wala na. sa iba na ako naha-high blood. Ha! Ha! Ha! Ha! "At least, I�m honest, `di ba?" nakangiting sabi pa ni Gretchen. Kanino na lang siya naha-high blood? "Hulaan niyo na lang. Ha! Ha! Ha! Ha!" tugon ni Gretchen. So, puwede na pala silang magpakasal ni Tony Boy? "You know, it was never naman anyone�s decision whether it�s okay or not. Tony is an adult. In fact, he�s old. "If it comes, it comes. If it doesn�t, it doesn�t. "You know, one reason why I�m happy today, and why I know I can be happy? Is because, I know now na may mga bagay na hindi pinipilit. "Marami akong pinilit na bagay sa buhay ko noong araw. Hala, palpak lahat, `di ba? "Now, I wanna get married for the right reasons. I wanna get married because I truly in love, in love enough to say, I can you know, close my eyes, and you know, be there in cloud 9, and whatever. "I don�t wanna get married because I�m being pressured by people, or because people are saying they will never get married. "The decision will come from me. You know, the right time. Everything, I want the situation to be right. Hindi naman natin maloloko ang tao. "It will come. Tony is there. "Alam niyo, ang kulang na lang ay lumakad ako in a beautiful gown, other than that, I am very satisfied as a wife. "At least now I�m still available. Hindi loko lang. Ha! Ha! Ha! Ha!" humahalakhak na sagot ni Gretchen. Eh, sila ng kapatid niyang si Claudine, nag-uusap na ba sila? "Matagal na kaming hindi nag-uusap." Kailan kayo mag-uusap ni Claudine? "Hindi ko alam. Hindi pa kami nagkikita. "You know why, ngayon kasi hindi ko na masyado siyang inisiip. Ayoko ring isipin para walang intriga. Tahimik ang buhay niya, tahimik ang buhay ko. "You know, apart from her, apart form them, I feel that sense of freedom. Walang obligations. Walang hurt. Walang parinig. "Maganda rin `yung ganu`n. Walang umaabot sa aking masama. Wala rin akong pinapaabot na masama. "Life is short, sabi nga nila, `di ba? Huwag na nating hintayin na may malapit nang mamatay or what." �Yun na nga, maiksi lang ang buhay, kaya bakit hindi pa sila mag-usap ni Claudine? "You know, if the right time will come, hindi ko alam kung kailan `yon." Pati ang mga magulang niya ay hindi pa rin niya nakakausap hanggang ngayon. "Marami pang dapat ayusin. Hindi puwedeng pilitin. Maraming emotions. "Everything kasi may process. Hindi mo puwedeng pilitin. For now, this is what�s working for us. "Kasi di ba, kesa naman magkita kayo, mag-aaway kayo, palaki nang palaki `yung away. Mabuti na `yung you cool down, and then when all is well, and when you�re good and ready, you can really feel okay for the person," seryosong sabi ni Gretchen Inamin ni Gretchen na hindi siya kumportable na pag-usapan ang sitwasyon niya sa pamilya niya. "Kasi �di ba, gulo lang `yan, eh," mahinahong sabi na lang ni Gretchen. Sa totoo lang, mahaba pa ang pakikipagtsikahan na ginawa ni Gretchen sa entertainment writers. Pero, hindi nga puwedeng pagsama-samahin �yon lahat sa isang upuan lang. Source: Abante |