Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gretchen, nanguna sa 2008 Noisemakers!

Author: Ruel Mendoza

Nangunguna sa listahan ng Top 5 Noisemakers sa 2008 namin si Gretchen Barretto, at dahil `yon sa never-ending na balitang hiwalay na sila ng kanyang live-in partner na si Tony Boy Cojuangco.

Ilang beses na ngang natsismis na hiwalay na sila ni Tony Boy, pero panay ang deny ni La Greta. Masaya raw siya at hindi naman siya mukhang iniwanan ng partner. Pero ang nakakagulat ay panay naman ang trabaho ni La Greta. Ang pinaka-latest nga ay bumalik ito sa TV via the game show You & Me Against The World.

Nagkaroon din sila ng word war ng dati niyang kaibigan na si Nadia Montenegro na umabot pa raw sa murahan nang magharap-harap sila sa isang hotel. Naging malaking issue rin ang balitang kinansela raw ni Tony Boy ang kanyang credit card. For sure, mas marami pa tayong ingay na maririnig from Gretchen ngayong 2009.

Isa pang matinding noisemaker ng taon ay ang pagdemanda nina Piolo Pascual at Sam Milby kay Manay Lolit Solis dahil sa sinulat nito na nakita niya ang dalawang magka-date sa Sofitel Hotel.

Umabot nga sa mahabaang pag-file ng kaso ang dalawang kampo. Pero ang ending ay nag-apologize naman si Manay Lolit sa kanyang naisulat na siyang naging dahilan kung bakit iniurong nina Piolo at Sam ang demanda nila sa kontrobersyal na talent manager.

Malaking ingay rin ang ginawa nang paghihiwalay nina Dingdong Dantes at Karylle. Nang kumalat nga ang bulung-bulungan na natapos na ang relasyon ng dalawa, hindi sila tinantanan ng mga showbiz talk shows hanggang sa may makuha silang tamang sagot.

Nagkataon pa na may pelikulang ginagawa si Dingdong with Marian Rivera nang mga panahon na iyon kaya ayaw nitong magsalita muna. Pero hindi nagtagal at naglabas ng kanyang official statement si Dingdong tungkol sa pagkakahiwalay nila ni Karylle after three years sa kanilang relasyon. At dahil nasangkot si Marian sa hiwalayan na ito, naglabas din siya ng sarili niyang statement para sabihin na wala siyang kinalaman sa nangyari sa dalawa.

Dahil dito ay lumipat si Karylle mula GMA-7 to ABS-CBN 2. Magandang move ito for Karylle dahil nagkasunud-sunod ang trabaho niya.

Lumikha rin ng ingay ang balitang hiwalay na sina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan. Sa totoo lang, ay matagal na ngang issue ito para sa mag-asawa, pero wala namang mailabas na pruweba na may ibang pamilya na nga si Sen. Kiko. Nag-dare na nga si Sharon na magbibigay siya ng reward na P10 million sa maglalabas ng anumang ebidensya na may ibang babae at pamilya ang kanyang mister.

Despite nga the big reward, walang nangahas na maglabas ng anumang ebidensya, kaya naman ang matinding ingay ay biglang nanahimik na lang.

Kasama rin si Baron Geisler sa Noisemaker namin, lalo na nung idemanda siya ng anak nina Yayo Aguila at William Martinez na si Patrizha ng acts of lasciviousness.

Ang depensa ni Baron ay kakagaling lang niya sa isang acting workshop kunsaan ang role na ginampanan niya ay isang sex maniac. Na-misinterpret lang daw ang mga kinilos niya dahil in-character pa raw siya that night.

Bukod kay Patricia ay kinasuhan din ni Baron ang ina ni Anyway, kinasuhan din ni Baron sina Patrisha at Yayo Aguila dahil sa pagkuwento raw nito ng mga insidente. Pareho namang nabasura ng fiscal ang mga sinampang kaso ni Baron.

Source: Abante