Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gretchen todo-tanggol pa rin kay Tony Boy

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

EKSENADORA


Ilang araw nang to-do usap-usapan ang tungkol sa pagpapalayas kay Gretchen Barretto sa mansyon nila sa Dasmariñas Village, Makati City. Nu'ng una ay tahi-mik lang ang kontro-bersyal na aktres tung-kol sa isyung ito. Malamang inakala niyang it would just die down.

Pero nagpatuloy ang mainit na isyu, at nagsanga-sanga pa ang mga balita.

Na kesyo, wala raw gamit na ipinadala si Tony Boy Cojuangco sa kanyang pag-alis.

At pati ang anak daw nilang si Domi-nique ay mas ginustong sa ama na niya tumira. May mga ganitong bersyon na ng kuwento.

Pero sa isang pana-yam, nagbigay na ng pahayag si Gretchen. Mariing sinabi ng aktres na hindi siya pinalayas ni Tonyboy sa bahay nila sa Makati.

Aniya, paano raw mangyayari ang ganitong insidente, eh, ini-regalo nga sa kanya ang bahay na 'yun. Bakit daw siya palalayasin kung sa kanya na ibinigay ang bahay?

Oo nga naman.

Dagdag pa ni La Greta, maging si Tonyboy raw ay hindi rin nagustuhan ang mga balitang lu-mabas about them.

Diumano'y masama ang loob ng partner ni Gretchen dahil parang ang so bad ng naging imahe ni Tony na nagpapalayas ng mga tao.

Mariing sinabi ni Gret-chen, hindi ganoon kla-seng tao si Tonyboy.

Napaka-disente raw nito para gawin ang ganoon, at para bawiin ang mga bagay na naibigay na niya.

In short, walang pagpapalayas na naganap. At sa detractors ni Gretchen, well, sorry na lang dahil masaya pa rin silang dalawa ni TonyBoy.

'Yun na!

* * *

Aminado si Valerie Concepcion na naki-kipag-date siya ngayon at tumatanggap na siya ng mga manliligaw.

Aniya, wala namang masama kung kikilalanin daw muna niya ang mga ito. Tinanong nga namin si Val kung ilan ang nanliligaw sa kanya.

" Tatlo po, pero nga-yon ay dalawa na lang," sabi ni Valerie na naka-bungisngis pa talaga sa amin.

Ayon kay Val, itsapuwera na raw ang isang manliligaw niya. Hmmn, ito ba 'yung basketball player?

Tinanong namin ang dalaga kung may taga-showbiz ba siyang sui-tor? Wala raw. Mas gusto raw ni Val 'yung hindi artista para hindi masyadong kumplikado ang sitwasyon.

Hindi rin daw type ni Valerie ang masyadong bagets na mga lalaki. Ang gusto niya ay guys na nasa early 30s. Huwag naman daw mga 40s na.

Malapit na ring ipalabas ang Banana Split kung saan kasama rin si Val sa cast ng mga naggagandahang babae.

Ka-join niya sina Angelica Panganiban, Cristine Reyes at iba pa.

Nabanggit pa ng isang kaibigan sa panulat na sa lahat ng mga ka-sama sa bagong show ng ABS-CBN, si Valerie lang ang single mom. "Pero, may ganda pa at sexy pa, noh!" natawang sabi na lang ni Val.

Very true.

* * *

Hanggang sa mga oras na ito ay nananati-ling propesyunal si Gabby Concepcion sa pagdalo sa mga nata-nguan niyang commitments at trabaho kesehodang nakaburol ang ama niya sa OB Mon-tessori Chapel, sa P. Guevarra St. San Juan.

Nabalitaan naming nagsu-show pa rin si Gabby dahil isa ito sa mga natanguan na ni-yang commitments ba-go pa sumakabilang buhay ang amang si Rollie Concepcion.

Sa tingin namin, unfair para kay Gabby na okrayin pa siya samantalang nakaburol na nga 'yung tatay niya.

Namatayan nga na 'yung tao ng isang napakalaking bahagi ng buhay niya.

Sana ay galangin din natin ang pagluluksa ng aktor at ng kanyang pamilya.

Source: Taliba