Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Grupo ng 'Ded' at 'Ploning,' dapat mag-usap - Leo

Author: People's Tonight

IT'S official. Ang comedy film na Ded na si Lolo ng Sine Direk series ng APT Entertainment at DGPI ang ipadadala ng bansa para sa best foreign language category ng Oscar Awards sa susunod na taon.

Ginawa ni Leo Martinez, Film Academy of the Philippines director general, ang pag-a-anunsiyo sa presscon ng bago niyang pelikula, Sabungero: Dangal at Tibay, sa Annabel's resto kahapon ng tanghali.

Ani Leo, Sabado natapos ang deliberation ng eight-man screening committee, na kinabibilangan ng chairman nitong si Eddie Romero at miyembrong sina Robert Arevalo, Manny Morfe, Jess Navarro, atbp.

Ayon pa sa kanya, pinanood ng committee ang lahat ng pelikulang naipalabas mula October 2008 hanggang September 2009, na nauwi sa shortlist of 12 films, kung saan napili nga ang Ded...

Sey ni Leo, walang pakialam ang FAP kung indie man o mainstream. Basta ang rule, ipinalabas ito ng one week sa commercial theaters.

Pero dagdag niya, kasama sa ini-screen ang Lola ni Brillante Mendoza, pero 'yun nga, hindi pinalad na mapili.

"Whether unanimous or majority ang vote, 'yung screening committee na lang ang nakakaalam," dagdag niya.

Sa mga nagsasabing kadalasan ay drama ang pumapasok sa best foreign language ng Oscars, hirit ni Leo, "Sabi ko nga, we always rely on the integrity and taste of our screeners. Lahat naman sila may 'K,' kilala nating lahat and they have always been the ones na pumipili ng Oscars bet natin.

"I agree with their choice, basta 'yun ang napili nila and officially, that's the FAP's choice. "

As of yesterday, na-notify na rin daw ng FAP ang producer ng Ded. .. .

"Fortunately, 'yung pinadaa natin last year, which was Ploning, marami silang natutunan. So, we are suggesting to APT to consult wth the Ploning people.

"They (Ploning group) reported to us kasi kung ano ang dapat gawin, kung saan sila nagkulang at kung ano ang tama sa mga ginawa nila. At least, may mga figure kaming ganyan na puwedeng ipasa sa APT.

"Sinabi ko na kay Mr. (Tony) Tuviera to meet with the Ploning group (of Direk Dante Garcia)," pagwawakas ng FAP director general.

* * *

KUNG type niyong mapanood at marinig kumanta ang NP "Papables" na sina Atty. Adel Tamayo at Gilbert Remulla, go kayo sa free concert na Rockatropa sa SM Mall of Asia concert grounds sa Sabado, September 26.

Doo'y magdu-duet sina Adel at Gilbert ng kantang The Girl is Mine (original nina Michael Jackson at Paul McCartney) at makiki-jamming sa sampung sikat na banda, tulad ng Itchyworms, Sandwich, Bamboo, Parokya ni Edgar, atbp.

Definitely, sey ni Atty. Adel sa presscon kahapon, hindi niya kakantahin ang Careless Whisper, na associated sa controversial doctor na si Hayden Kho at dating GF nitong si Katrina Halili.

"Gusto kasi ng daddy ko (Sen. Manny Villar) to reach out to the youth, gusto niyang makasama sila at maikuwento how he rose from poverty that's why we're mounting this free concert.

"We are also launching our 'Bdaboss' (Be the Boss) program para sa mga kabataang may business ideas. Bibigyan ng pondo ang mapipiling best business idea," sey ni Camille, bunsong anak ni Sen. Manny.


Sina Valerie Concepcion at Cristine Reyes ang hosts ng concert. Makakasama nila ang Moymoy Palaboy.

Sabi ni Camille, ang pagdalo sa concert ng mga nasabing personalidad ay hindi nangangahulugan ng political endorsement.

"They're people who simply chose to be with us para pasayahin ang mga kabataan. Wala pa kaming napipiling endorsers, pero kung may mga kaibigan kaming susuporta, tatanawin naming utang na loob at hinding-hindi namin makakalimutan ang tulong nila. " IFF

Source: People's Tonight