Grupo ng kawatan, huli sa videoAuthor: Abante DALAWANG grupo ng mga kawatan sa Pasay at Cubao ang nahuli matapos magsagawa ng operasyon kamakailan ang pulisya kasama ang programang XXX ng ABS-CBN. Pagkakuha ng isang sumbong sa kanilang tanggapan, agad na umaksyon ang hosts na sina Alex Santos, Pinky Webb, at Julius Babao at sinimulan ang pagmanman sa mga nasabing grupo. Huling huli sa video ang aktwal na pandurukot nito sa mga walang kamalay-malay na biktima at kitang kita kung gaano kakaswal silang manghablot ng mga alahas at gamit ng sinumang mapapadaan sa kanilang tinatambayan. Tunghayan ang mga maaksyong kaganapan sa XXX sa bago nitong araw at oras tuwing Lunes, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN. Source: Abante |