|
|
| Guessing gameAuthor: Vinia Vivar Isa si Joross Gamboa sa mga lumitaw na pangalan na gaganap bilang "leading man" sa filmbio ni Rustom Padilla. Pero, mukhang hindi pa ready ang young actor na makipag-kissing scene sa kapuwa lalaki, kaya sa umpisa pa lang ay nagpakita na agad siya ng pagtanggi. Hindi lang namin alam kung nakakuha na si Rustom ng bagong leading man dahil nang una namin itong nabalitaan, naghahanap pa ang aktor ng puwedeng gumanap sa papel ng naging boyfriend niya, na isa ring aktor. Isa sa qualifications ni Rustom sa pagpili ng leading man niya ay kasing-height at kasing-bulto ng naging boyfriend niyang aktor. Kaya kung sinuman ang mapipili niya, ikumpara na lang natin ito sa iba pang male stars natin para mahulaan kung sino ito dahil hinding-hindi raw ire-reveal ng gay actor kung sino ang ex niyang ito para maprotektahan din naman ang pangalan ng ex-BF. Sa totoo lang, ngayon pa lang ay curious na ang lahat kung sino ang naging boyfriend na ito ni Rustom. May guessing game na nga ngayon sa showbiz. Ang iba'y may hula na kung sino at ang iba nama'y clueless. Base sa script, ang naturang aktor ay hindi pa sikat nang makarelasyon ni Rustom. That was before he left for U. S. para mag-aral. Pagbalik niya galing ng Amerika, sikat na sikat na raw ang aktor. Sa script, katakut-takot din ang kissing and love scenes ni Rustom at ng kanyang boyfriend, kaya ang sinumang tatanggap nito, dapat ay ready talaga sa mga ganitong klase ng eksena. The movie will be produced by Jean Garcia at bukod sa pagiging aktor sa movie, si Rustom din ang magdidirek nito. * * * Buwag na ngang talaga ang Rayver Cruz-Shaina Magdayao loveteam dahil sa ngayon, nakikita na silang iba ang kapareha. Si Shaina ay kapareha si Piolo Pascual sa Lobo at si Rayver naman ay sinusubukang itambal kay Maja Salvador. Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan nina Rayver at Shaina nang ma-link ang young actress kay John Prats sa panahong nanliligaw ang una sa kapatid ni Vina Morales. 'Di kalaunan, inamin ni John na nanliligaw siya kay Shaina although marami ang nagsasabi na talagang sila na. Kasabay nito ang balitang si Shaina raw ang tumanggi nang makapareha si Rayver, na itinanggi naman ng batang aktres dahil management decision daw iyon at hindi kanya. Nang makita namin si Rayver sa taping ng Your Song, pinagtatambalan nila ni Maja, mukhang okay na naman ang binata and it looks like naka-recover na siya sa pinagdaanang kontrobersiya. Wala pa rin daw siyang girlfriend, but it's still too early to say kung magkaka-develop-an sila ni Maja although we could see na bagay naman sila. Makikita kung may chemistry sila ngayong Sunday sa Your Song featuring the song Kapag Ako ay Nagmahal by Aldred Gatchalian. * * * Naaliw kami sa sagot ng Racing Goddess na si Gaby dela Merced nang tanungin namin kung naging sila ba talaga ni Diether Ocampo. Paano kasi, hindi niya masagot ang question. "Ha? I wouldn't ano. .. Ah, ano... I'd rather...ah, 'yun," sabi niya. 'Pag ganyan ang sagot, kailangan pa bang sumagot? Pero say naman ni Gaby, good friends sila ngayon ni Diet. Kung ano sila before, 'yun ang hindi niya gaanong ma-explain. Anyway, Gaby has a new show on ABS-CBN na magsisimula na sa March 9, at regular na mapapanood every Sunday bago mag-ASAP '08. It's called Gaby's Xtraordinary Files, na maihahalintulad sa Discovery Channel. It's a 45-minute trivia program at sa pilot episode, dadalhin tayo ni Gaby sa ilang mga bansa na may kakaibang kultura tulad ng Austria, kung saan ay naliligo ang mga magsing-irog sa beer, at sa Bolivia, kung saan ay nanliligaw ang mga lalaki sa pamamagitan ng pagtapon ng bato sa mga babae. Si Gaby ay matatandaang sumali sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 at naging 3rd Big Winner. Tulad ng title ng kanyang show, extraordinary woman din siya dahil siya 'yung babaing tinatawag na "out of the box" dahil na rin sa hindi pangkaraniwang hilig sa man's sport — car racing. Source: People's Tonight |