Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Guesting ni Marya sa 'Cool Center,' kinansela!

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Puring-puri ni Maricel Soriano si Mica dela Cruz, ang child actress na kasama niya sa horror-drama ng Star Cinema na T2, showing sa April 11.

At 10 years old, magaling, very professional at 'pag pinanood ang pelikula, malalamang para sa kanya ito.

"Napakahusay na bata, dedicated sa trabaho. Bilib ako dahil kahit puyat at gusto nang umuwi, 'pag narinig ang boses ni Direk (Chito Roño), iba na siya, nakaka-deliver at very powerful ang mga mata. Hindi nagsisinungaling ang mga mata niya," patungkol ni Maricel kay Mica.

Samantala, inurirat si Maricel sa annulment nila ni Edu Manzano. "Yes" at "puwede na" ang sagot kung puwedeng magpakasal sina Edu at Pinky Webb.

Nag-usap na raw sila ng TV host at gusto niyang maging masaya ito. Hindi pa niya nakikita si Pinky, pero love raw niya ang ama nitong si Freddie Webb na nakasama niya sa isang TV show.

* * *

Kung hindi nagkabulilyaso, si Maricel Soriano sana ang guest sa pilot episode ng Cool Center ng GMA-7 last Saturday.

Nang iparating ng manager ng actress na si Wyngard Tracy ang imbitasyon for Maricel to guest, umoo agad ito dahil gusto nito si Eugene Domingo.

Nagpaalam sila kay Cory Vidanes na agad ding pumayag dahil minsan lang naman daw mag-guest si Maricel sa GMA-7 at madalas sa Eat Bulaga pa.

"Kaso, tumawag uli ang EP ng show at sinabing hindi puwedeng mag-promote ng movie si Maricel, ano ang pag-uusapan 'pag nag-guest siya? Kinansela na lang namin ang guesting niya. Sayang nga dahil gusto ni Maricel at para na rin kay Eugene," sabi ni Wyngard.

* * *

Biniro namin sina Direk Mark Reyes at Dominic Zapata na bagay silang co-directors ng Zorro dahil ang una, kaoopera lang at may inalis na malaking benign cyst sa tiyan. May cast naman ang right leg ni Direk Dom dahil nahulog.

Sa kuwento pa lang ni Direk Mark sa location nila sa Bagac, Bataan, parang gusto na naming puntahan. May 15 houses daw sa compound na ancestral houses in different places na inilipat at kasama rito ang lumang Fine Arts Building ng UP.

May primer ang Zorro mamaya sa time slot ng Fated to Love You. Wala raw planong magkaroon ng primer ang GMA-7, pero nang mapanood ang pilot week, nag-decide ang management na maglabas ng primer bago ang pilot sa March 23.

* * *

Tinakot ni Mark Anthony Fernandez ang staff ng All About Eve sa taping nila sa Singapore.

Last March 14 sila naka-schedule bumalik ng bansa ni Chariz Solomon, 2:45 p. m. ang flight, pero 12 noon na, 'di makita ang actor at akala'y nawala. 'Yun pala'y nagpunta sa location sa Lucky Plaza para magpaalam, eh, sa Chinatown ang taping.

Isa si Mark sa pinagkaguluhan ng mga Pinoy at foreign tourists lalo na sa Clark Quay kung saan kinunan ang confrontation scene nina Sunshine Dizon at Alfred Vargas.

Mamaya sa AAE, magpapaalam si Nicole (Iza Calzado) na magku-cruise sa Singapore at mag-aaral na rin.

Malulungkot si Frederico (Richard Gomez), pero papayagan ang anak. Sa Singapore, may makikilalang lalaki ang dalaga, lalaking may kaugnayan din kay Erika (Sunshine). Lalong titindi ang conflict nina Nicole at Erika.

* * *

Isang malaking music festival na tinawag na Himig ng Bayan ang gagawin sa Dumaguete City mula May 13-16.

Ang four-day festival ay mahahati sa jamming sessions, workshops (guitars, piano and vocals), recitals, nightly concerts ng premiere talents at sa last night, isang big concert ang gagawin sa Lamberto Macias Sports Center with matching fireworks.

Ang objective ng Himig ng Bayan ay dumiskubre ng untapped talents ng bansa.

Through workshops and jamming sessions, may chance ang amateur musicians to show their talents, develop skills and learn more about the industry.

Ang Alt+Enter Productions Inc. ang organizer ng Himig ng Bayan sa pamumuno ni Val Victa, president.

Ang iba pang hinawakan nilang projects ay ang 30th at 32nd Metro Manila Film Festival, Philippine Idol, 1st Ani Awards ng Mowelfund, Bakbakan '06 at marami pang iba.

Nag-o-offer din sila ng specialized service in producing events.

Source: People's Tonight