|
|
| Guests ni Sarah, ayaw pang pangalananAuthor: Leo M. Bukas SA November 7 na ang Record Breaker concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum pero hanggang ngayon ay bitin pa rin ang fans kung sino ang magiging special guests niya sa naturang concert. Maging sa TV plug kahapon ng ASAP 09 for the upcoming concert, wala ring nakalagay. Basta abangan na lang daw kung sino ang mga espesyal na panauhin ng dalaga. Napanood namin ang huling concert ni Sarah sa Araneta at kung tama ang pagkaalala namin, naging panauhin niya noon si John Lloyd Cruz at Rayver Cruz. Sarah will be doing a movie with Judy Ann Santos sa Viva Films, pero wala pang malinaw kung sino ang magiging partner niya rito. Baka 'yon ang maging isa sa special guests niya. Tama ba kami? Anyway, Viva Concerts promises that Record Breaker would be showcasing Sarah that has set new standards as a total entertainer. Inilabas na rin nila ang bagong album ni Sarah na Christmas Girl para sa kanyang fans. * * * MAY concert sa Metro Bar (West Avenue, Quezon City) on Wednesday (Oct. 28) ang numero unong cloner ni Michael Jackson na si Kenny Wizz. Ito ay bahagi ng kanyang world tour at ang Pilipinas ang kanyang next stop. Ang concert ay pinamagatang Michael Jackson. .. The Experience at produce ito ng Mata ng Caloocan Foundation at ng Front Desk Entertainment Production with guests Apple Tiu and Foxy Ladies. Nakita na namin ang mga video ni Kenny sa Internet pati ang kanyang poster para sa concert, and in fairness, magkahawig nga sila. Mas mataba nga lang ng konti si Kenny compared to Michael pero magkapareho sila ng galaw. "He also sings very well at kaboses din niya si Michael Jackson," added info naman sa amin ni sister Jobert Sucaldito ng Frontdesk Entertainment. Part of the proceeds nga pala ng Michael Jackson. .. The Experience ay mapupunta sa Mata ng Caloocan Foundation na itinatag ni Mitch para sa kanyang mga kababayan. Marami nang natulungan ang Mata ng Caloocan although 'di ito masyadong ipinangangalandakan ni Mitch. "'Yung ginagawa ko ay para sa mga kababayan ko. Maliit na bagay lang naman 'yon, pero alam ko na kahit papaano ay natutulungan ko sila," wika pa niya. How nice naman this congresswoman to produce a fund-raising concert for her constituent. Iba ka, Mitch! Source: People's Tonight |