Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gusot nina Isabel at Nadine aayusin ng GMA-7 staff

Author: Vinia Vivar

HABANG tinitipa namin ang kolum na ito ay nakarating sa amin ang balitang may closed-door meeting sina Nadine Samonte at Isabel Oli upang ayusin ang kanilang gusot.

Actually, ngayon nga lang namin nalamang may feud pala ang dalawa at hindi raw nagpapansinan sa set ng Maging Akin Ka Lamang, na hindi rin maipaliwanag ng aming source kung bakit.

Basta raw parang Katrina Halili at Marian Rivera dati ang drama nila na may cold treatment sa isa't isa at parang nagpapataasan ng ere na hindi mainintindihan.

Pero, kapag tinatanong naman daw, super deny ang dalawa at sinasabing okay naman sila.

Say ng source namin, true pala ang lahat at kahapon nga ay nakatakda raw pag-ayusin ang dalawa ng GMA-7 staff.

Kung saan, hindi na naidetalye pa ng aming source, pero kung totoo man, hopefully, maging maganda naman ang resulta ng naturang meeting.

* * *

Kahit wala na sila, pinag-iisipan ni Christian Bautista kung ano ang ibibigay sa ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go sa Valentine's Day.

Feb. 13 pa lang ay magkasama na sila sa Valentine concert nilang Ol 4 Luv, na gaganapin sa Araneta Coliseum with Erik Santos at Sarah Geronimo.

Hindi raw niya alam kung bibigyan niya ng roses ang dating girlfriend o kahit ano'ng something.

"Iniisip ko pa nga, eh. I might give her something, pero hindi ko pa talaga alam kung ano," he said.

Two to three months pa lang daw silang naghihiwalay at siyempre, he's trying to adjust sa present situation nila. Although sa paningin ng iba ay parang walang nabago sa kanilang dalawa, siyempre, alam nilang meron.

Sabi nga ni Rachelle, kapag magkasama sila ngayon, kanya-kanyang uwi na sila, unlike before na ihahatid muna siya ni Christian.

Hindi na rin daw sila nagte-text-an nang ganu'n kadalas 'di tulad ng dati.

"Siyempre, nabawasan na," sabi pa ni Christian.

Nasanay na lang daw kasi sila talaga na magkasamang kumakanta kaya parang wala na sa kanila.

"Kahit naman kami pa nu'n, 'pag nag-aaway kami, kumakanta pa rin kami together, so nasanay na kami," say pa ng singer.

Confused pa rin ang marami sa tunay na dahilan ng kanilang break-up dahil ayaw nga nilang sabihin at mas lalo lang kaming nalito sa sinabi ni Christian na kung anuman ang problema nila, the best way to fix it ay maging magkaibigan na lang muna sila.

Anyway, sa Ol 4 Luv ay muling kakantahin ng dating mag-sweetheart ang mga love song na kinakanta nila noong sila pa. Para kay Christian, challenging ito.

"Challenging, kasi iba na nga ang situation ngayon, kaya iba na ang dating," say pa niya.

* * *

Pangalawang Maalaala Mo Kaya stint ang mapapanood kay Valerie Concepcion ngayong Biyernes. This time, mas challenging ang role niya dahil gagampanan ni Val ang papel na polio victim, na na-in-love sa isang lalaking bulag na'y may asawa't anak pa.

Si Geoff Eigenmann ang makakapareha ni Valerie. Pero mas kinabahan si Val nang malamang kasama rin ang nanay mismo ng kapareha, si Gina Alajar.

Proud na proud naman si Gina sa pagganap ng kanyang anak dahil umarte talaga rito nang husto si Geoff at na-challenge rin sa kanyang role.

Bukod kina Val, Geoff at Gina, kasama rin sa cast sina William Lorenzo, Gary Lim, Lui Villaruz at Sharmaine Centenera mula sa direksyon ni Dado Lumibao.

Source: People's Tonight