|
|
| Gusto nilang sirain ang image ko -- RichardAuthor: Nitz Miralles Hindi na kinailangan ang official statement ni Richard Gutierrez tungkol sa criminal case na isinampa sa kanya ni Lorayne Pardo, wife ng pu-manaw na PA ng actor na si Nomar Pardo dahil maayos ang sagot ng binata sa mga tanong ng press tungkol sa kaso. Additional information na lang ang ibinigay ng lawyer niyang si Atty. Agnes Maranan. Hindi pala alam ni Annabelle Rama na last year pa pinag-aaral ni Richard ang panganay nina Nomar at Lorayne at dahil sa kaso, posibleng matigil muna ito. Nagulat ang actor na sa kaso humantong ang lahat. "Bakit kailangang niyang i-announce sa TV. Ibig sabihin, gusto nilang sirain ang image ko. Nagulat din ako sa pagbabago ng isip ng tatay ni Nomar dahil siya pa ang nagsabi sa akin na hindi ko kasalanan ang nangyari. That time, nag-usap kami nang mata sa mata at lalaki sa lalaki. Wala kaming magagawa kundi labanan ang kaso," sabi ni Richard. Samantala, after this Monday, nine days na lang ang Zorro at kahit maraming naharap na problema si Richard habang ginagawa ang fantasy-action series, para sa kanya, isa pa rin ito sa pinakamasayang series na nagawa niya. Mami-miss niya lahat ang nakasama, pati ang location nilang napakaganda. Ano ang mangyayari sa karakter niyang si Antonio? "Towards the end, makikilala ni Lolita (Rhian Ramos) ang tunay na pagkatao ni Antonio, ang daming revelation. Very happy ako sa kinalabasan ng Zorro at fulfilled sa pagtatapos nito. " After Zorro, gagawa muna ng pelikula sa GMA Films si Richard, isang horror movie na may October playdate at pagka-tapos nito, saka niya gagawin ang Full House. * * * Five months tumagal ang Zorro and from day one na umere iyo hanggang sa pagtatapos sa August 7, kasama ang karakter ni TJ Trinidad na si Ramon Pe-laez. Nagbigay ng kon-ting spoiler ang actor sa mang-yayari sa kanyang karak-ter at matutuwa ang mga taong nagalit sa kanya. "Roller-coaster" ang description ni TJ sa role niya sa Zorro at hindi lang ang fight scene ang mahirap, but the whole process lalo na ang pagpalit-palit niya ng emotion. Physically draining daw ang maging bad, pero natsa-challenge siya, kaya gagawin pa rin in his future projects. Nalulungkot din si TJ na matatapos na ang Zorro dahil masaya siya working with the cast. Pinuri nito si Richard Gutierrez na hands-on, very persistent with his work at pretty cool. Hindi pa pala maka-kabalik sa ABS-CBN si TJ after Zorro at muling mag-hihintay ang fans nina ni Kristine Hermosa sa balik-tambalan nila dahil may kasunod nang project sa GMA-7 si TJ. Kasama siya sa cast ng Stairway to Heaven at gagampanan ang role ni Tristan. "It's not a kontrabida role, altho' I'm not very picky when it comes to role. Artist ako rito, I have to take up art classes, pero may konti na rin akong background sa painting. It's not my first time to be working with Dingdong (Dantes), I've worked with him in Resiklo. " September 7 na ang airing ng STH, pero ayaw pa rin sabihin ni TJ kung sino ang gaganap sa role nina Jodi at Eunica. Ayaw ngang sabihin kung sino ang director, until we reminded him na nasulat nang si Bb. Joyce Bernal ang director ng Pinoy adaptation ng K-drama. * * * Monday sa Rosalinda, laking gulat ni Fedra (Katrina Halili) dahil paggising niya, hindi si Fernando Jose (Geoff Eigenmann) ang kasiping niya, kundi si Anibal (Marco Alcaraz). Mapapanaginipan ni Rosalinda (Carla Abellana) ang inang si Dolores (Jennifer Sevilla) at pumayag na raw itong makipagrelasyon siya kay Fernando Jose. Hinintay ng binata sa ospital si Rosalinda na akala'y namatay si Fernando Jose. * * * Sa All My Life, galit na galit si Romano (Zoren Legaspi) sa natuklasang lihim na relasyon ng asawang si Amelia (Gelli de Belen) at Gary (Jay Manalo), ayaw nitong kausapin ang kaibigan. Aaminin ni Amelia ang naging relasyon kay Gary, pati kung sino ang tunay na ama ni Luke. Handa na ang lahat para sa fashion show na in-organize ni Romina (Kris Bernal). Si Perry (Paolo Avelino) ang model na tuwalya lang ang suot at na- insecure ni Jules (Aljur Abrenica). Magkikita naman sa unang pagkakataon sina Sally (Manilyn Reynes) at Efren (Romnick Sarmenta) after makalabas sa kulungan ang lalaki. Isang malaking sikreto rin ang dala niya. * * * Sa pagpapatuloy ng Adik Sa 'Yo, tinanggap na ni Joana (Jolina Magdangal) na si Fatima (Eugene Domingo) ang tunay niyang ina dahil sa mga daliri nito. Ikukuwento ni Fatima kung bakit sila nagkahiwalay ni Luigi (Joey Marquez) at magagalit ang dalaga sa ama. Si Ruben (Dennis Trillo) ay muling sumugod sa mansion nina Karen (Jennica Garcia) para hingin ang kamay nito sa mga magulang, pero palalayasin siya ni Stella (Beth Oropesa). Maiisip ni Karen na magpakamatay kunwari para takutin ang ina. Aksidenteng tunay na lason ang kanyang maiinom at maoospital siya. Source: People's Tonight |