Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Guwapong tisoy, pinagselosan ni John

Author: Nel Alejandrino

SA side table raw of John Lloyd Cruz' bed ay naka-display pa rin ang naka-frame na photo ng kanyang past girlfriend.

The who kaya siya?

Well, take your pick. Liz Uy, with whom 'di niya isini-sikretong nakipag-break na siya.

Ruffa Gutierrez who, to date, ay ayaw naman niyang (o, kaya ni Ruffa) aminin na ka-on niya bagama't iba ang ini-insinuate ni Annabelle Rama, who reportedly claims na alam niya ang totoo.

Sarah Geronimo, na nagsasabi (o, nagku-complain?) na 'di naman siya niligawan ni Lloydie.

* * *

Last Thursday, July 23, was the 40th day ng kamatayan ng late talent manager, writer at producer na si Douglas Quijano. The following day, July 24, would have been his 65th birthday.

Had Douglas been alive, usapan pala sana nila ni Mother Lily Monteverde na bonggang ise-celebrate ang kanyang 65th birthday, courtesy sana ng Regal Films produ, kung saan matagal nagtrabaho si Douglas.

Bagama't Douglas is no longer around, his talents — Richard Gomez, Joey Marquez, brothers Anjo, Jomari and Ryan Yllana, sisters Janice and Gelli de Belen, Wendell Ramos, Nadia Montenegro and John Estrada, among others, decided na ituloy pa rin ang selebrasyon.

But they opted na baguhin ang venue. Instead of Mother Lily's Imperial Palace Suites, sa Kalayaan Room ng Club Filipino sa Greenhills ginanap ang selebrasyon. Nagkaroon ng Misa for Douglas after which followed the maituturing na bonggang selebrasyon.

Everybody whom Douglas would have loved to see na mag-attend ng event for him was present.

Nasa pambungad na table, for example, ang grupo ng ABS-CBN, kabilang na ang vice president for entertainment na si Cory Vidanes and another ABS-CBN top gun, Joanne Santos.

Seated with them were PAMI (Professional Artists Managers, Inc. ) officers June Rufino (president), Dolor Guevarra, who came with husband Direk Boots Plata, Girlie Rodis, Shirley Kuan and Wyngard Tracy.

Dalawa nga pala sa naiwanang talents ni Douglas, sina Wendell at John, ang ngayo'y nasa 'pangangalaga' na ni Wyngard, who also manages the Side A band.

Janice, who was seated beside Cory, is now being managed by Popoy Caritativo, who also has in his stable of talents Dennis Trillo and Marian Rivera.

Gelli, meanwhile, now shares a talent manager with husband Ariel Rivera, si Boy Abunda, who owns the Backroom, Inc.

Bukod kay Ariel, kakuwadra na rin ni Gelli sina Rufa Mae Quinto, Ai-Ai de las Alas, Gretchen Barretto at Baby James Yap.

Malou Fagar, executive ng TAPE, Inc. (producer ng Eat Bulaga), is now talent manager to brothers Anjo and Ryan.

Malou also manages Janno Gibbs at, very lately, si Maricel Soriano.

* * *

Sidelights: Asikasung-asikaso ni John Estrada and fiancee na si Priscilla Meirelles, Brazilian beauty at former Miss Earth.

How true na muntik nang mapaaway si John sa isang aspiring showbiz newbie when he noticed daw the mestizo-looking guy trying to flirt with Priscilla? (True po, Tita Nel. Ang balita namin, sinundan sa labas ni John ang pobreng talent — na nagngangalang Logan Goodchild — at doon sinapak at tinadyakan! Si Jomari raw po ang isa sa mga umawat. Ayon sa isang source, iilang tao na lang ang naiwan sa Club Filipino nu'ng mangyari 'yon. As of presstime, ang sabi'y inaayos ni Goma ang naging gulo, dahil nagkataong related kay Ariel, mister ni Gelli, ang guwaping na tisoy. Gaya ng alam na natin, si Gelli ay kapatid ni Janice, na ex-wife naman ni John. At one point sa party, nakitang lumapit si John kay Janice, na in-acknowledge naman ng huli. Si Goodchild ay ala-alaga ngayon ng kaibigang Neil de Guia, na super close kay Tito Dougs nu'ng nabubuhay pa. Naka-table pa namin si Goodchild nu'ng Huwebes ng gabi at ang napansin ng grupo namin nina Anna Pingol na super tahimik siya habang kumakain ng hilaw na mangga minus the bagoong at kamote top. — IFF)

Meanwhile, did we hear it right that Goma committed a faux pax when he invited Annabelle Rama to join his table kahit pa katabi niya sa mesa ang Yes! editor-in-chief at PEP head na si Jo-Ann Maglipon?

Dialogue tuloy ni Annabelle, "Ayaw kong umupo riyan, may multo!"

Obvious na nalimutan ni Richard na anathema para kay Annabelle si Joan, lalo pa nga at na-dismiss ng Department of Justice ang kasong isinampa ng anak niyang si Richard Gutierrez laban kay Jo-Ann at sa PEP.

May kinalaman ang nabanggit na kaso sa isang balitang lumabas sa PEP tungkol kay Richard.

Kapansin-pansin ding wala si Richard sa nabanggit na kasayahan. Bagama't 'di ito direct talent ni Douglas, dahil ang nagha-handle nga ng kanyang showbiz career ay mismong si Annabelle, kay Douglas naman itinoka ng huli ang pagma-manage ng commercial endorsements ng batang aktor.

Pinagkaguluhan ng TV crew at showbiz press si Bisaya tungkol sa balitang kakasuhan si Richard ng pamilya ng namatay na alalay na si Nomar.

Sabi ni Annabelle, handa silang harapin 'yon dahil hindi naman ginusto o plinano ni Richard na maaksidente't mahulog sa bangin kasama si Nomar.

Gaya ng nauna naming ibinalita, nagdamit Michael Jackson sina Joey, Jomari at Anjo nu'ng gabing 'yon.

Naaliw ang mga bisita sa "showdown" nila sa pagkanta at pagsayaw mala-MJ.

Si Michael daw ang biggest favorite ni Douglas at ang paborito nito sa sangkaterbang hits ng yumaong singer ay ang Billie Jean.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Joey na magkasama na sina Douglas at MJ sa langit ngayon.

"Baka nga siya (Douglas) pa ang nagma-manage kay Michael doon ngayon. Hahaha!"

Si Gelli, hindi man nakaayos Marilyn Monroe, nagsabi namang binalak niyang maglagay ng nunal sa pisngi, kaso nawala ang kanyang eyeliner.

Hindi namin namataan ang misis ni Goma na si Lucy Torres. Ang sabi ng aktor sa isang kasamahan sa panulat, nasa Ormoc ito kasama ang kapatid at mga magulang at hindi nakakuha ng flight pabalik in time for Douglas' 40th day and 65th birthday bash.

Source: People's Tonight