Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gwen Garci walang kiyeme sa paghuhubad

Author: Mell T. Navarro
Column: Mouthful

BUKAS na huhusgahan ang follow-up ni Direk Joel Lamangan sa kanyang controversial gay indie film na Walang Kawala.

Ipapalabas na this Wednesday ang Hea-venly Touch, another gay film na may love story angle, minus the tragic ending.

Biggest break ito ng sexy stud na si Paolo Serrano, introducing si Joash Balejado, with frontal nudity king Marco Morales, and Gwen Garci.

Say ng mga bading na nag-watch ng press preview, mas type nila itong Heavenly Touch kesa sa Walang Kawala dahil lighter ito kumpara sa mabigat na ending.

Pero, kung man-to-man lovescenes ang pag-uusapan, aba, mas daring ito, dahil hindi lang "French kiss" ang bina-natan nina Paolo at Joash, pati nina Marco at Joash, kundi kagatan pa ng lips.

Mas maraming daring scenes at tatlo pang frontal male nudity scenes ang Heavenly Touch, ka-ya siguradong mabubusog ang mga mata ng gay crowd dito.

Pero, hindi pa rin nagpaawat dito si Gwen Garci.

Nagbilad at nagpa-sight na naman siya ng kanyang mayayamang boobs sa movie na ito.

Nakababaliw ang pagiging daring at mapa-ngahas ni Gwen dahil walang kiyeme ito sa paghuhubad.

Ito rin yata ang first time na nakipag-orgy si Gwen sa dalawang lalaki, na ang shots ni Direk Joel ay kakaiba naman.

Type din namin ang editing at music ng passionate lovescene between Marco and Joash, habang pinagdroga muna si Joash sa eksena, bago nakipag-sex.

Handog ng DMV Entertainment (produced by Manny Valera), we're sure this will be a hit sa gay circuit, lalo na't takaw na takaw ang mga bading at walang premiere night ng movie sa UP komo pati ito ay kinontrol ng MTRCB, samantalang dati ay wiz naman!

* * *

KASUSULAT pa lang namin dito sa Taliba last Sunday na malamang ibi-gay ng GMA-7 kay Dingdong Dantes ang popular Koreanovela hit series na Stairway To Heaven, that same day din ay nagpatawag ng presscon ang Kapuso network para ianunsiyo formally ang pagbibigay ng said soap sa guwapong aktor.

Sa live telecast ng SOP, walang kaalam-alam si Dingdong na bubulaga sa kanya ang sorpresang official announcement na sa kanya mapupunta ang role ni Cholo, ang Korean superstar na minahal din ng masang Pinoy nang ipalabas ito sa 'Pinas noong 2005 na Tagalized ang dialogues.

"Nagulat talaga ako. Wala akong alam. Me-ron akong naririnig, pe-ro hangga't walang formal offer or confirmation from the management, ayokong maniwala," kuwento ni Dong nang makausap namin sa surprise presscon for him.

"Akala ko, production number lang ang gagawin ko kanina, pe-ro, nagtaka ako kung bakit may VTR raw for me, eh, hindi ko naman birthday," nagtatakang say ni Dong.

After a while ay na-surprise nga sa VTR messages ng GMA executives headed by Atty. Felipe Gozon, confirming na sa kanya ibibigay ang Stairway to Heaven.

Heavy drama na may matinding love story ang nasabing Korean soap, na ayon sa loyal fanatics nito ay bagay na bagay kay Dingdong ang role na guwapong male lead.

"I hope I could do justice for the role," say pa ni Dong at aniya'y wala pa siyang pagkakataon na panoorin ang original series.

Kung sino man ang magiging leading lady niya ay wala pang anunsiyo from GMA-7.

"Kahit ako, I still don't have any idea. Mahirap din namang mag-assume or may name na manggaling sa akin, kasi, gusto ko, makilala ko muna ang personality or character sa story before I comment," giit ng alaga ni Perry Lansigan.

May ilang pangalang narinig from the press.

Pero kung sino man ang maging leading lady dito ni Dong ay suwerte talaga dahil maganda ang behikulo.

Hindi lang innocent na pretty ang look ng bidang girl, kundi dapat ay ma-runong ding umarte.

* * *

THIS Wednesday din ang opening ng BFF (Best Friends Forever) ng Star Cinema starring two box-office queens Sharon Cuneta and Ai Ai delas Alas, na tanging ang said film outfit lang yata ang makagagawa.

Drama ang huling ni-labasan ni Sharon, ang Caregiver, at ang kanyang Crying Ladies na comedy rin ay matagal-tagal nang naipalabas.

Huhusgahan na nga-yon si Ate Shawie kung kakayanin ng powers niya ang makipagsaba-yan sa komedya ng isang Ai Ai.

"Lamunin" kaya ni Ai Ai si Sharon sa BBF, considering na bihirang mag-comedy ang megastar?

"Wala po kaming sapawan dito. Tulungan kami ni BFF," depensa ni Ai Ai, na sinang-ayunan naman ni Mega at ng direktor nilang si Wenn Deramas.

Cast din ng BFF sina John Estrada, Joy Viado, at Chokoleit.

* * *

FOR your comments, pls email us at mell_ navar-ro@yahoo. com. ph.

Source: Taliba