Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gwen, naghubad, nagpahawak at nagpatikim sa indie film

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

HINDI namin natanggihan ang imbitasyon ni Direk Manny Valera para sa press preview ng indie movie na Heavenly Touch sa My Cinema, Greenbelt, last Thursday evening kesehodang super lakas ng ulan.

Eksaktong alas-otso ng gabi nagsimula ang screening, na sinaksihan din ng iba pang mga kasamahan sa panulat na 'di naman nabigo sa mga gusto nilang makita sa kabuuan ng pelikula.

Yes, tulad na lang ng walang takot na pagpapakita ng kanilang "pagkalalaki" ng mga baguhang actor na sina Paolo Serrano at Joash Balejado.

Maging ang nag-iisang babae sa cast, si Gwen Garci, bigay todo sa paghuhubad at minamasahe ni Paolo ang buong katawan.

Hindi lang pagpapakita ng malulusog na boobs, kundi pagpapahawak at pagpapatikim ang ginawa ni Gwen sa threesome scene nila nina Paolo at Joash sa loob ng banyo.

Uncut version ang napanood namin sa preview at sana, kapag nailabas na ito sa mga sinehan sa May 13, hindi mawala ang essence ng istorya dahil sa dami ng pinutol na eksena.

After all, maganda at hindi naman bastos ang pagkakadirek ni Joel Lamangan.

* * *

NAG-PICTORIAL na si Regine Velasquez bilang host ng Are You The Next Big Star?, ang bagong talent search ng Siyete at si Keempee de Leon ang co-host niya.

Nakakagulat ang bagong show ni Regine, dahil ang mga contestant na nag-audition, 'yun ding mga sumali sa reality talent search ng Dos, ang Pinoy Dream Academy.

Shocking din na pumayag si Pops Fernandez na maging isa sa mga hurado ng AYTNBS?, na malapit na raw magsimula sa GMA-7.

Balik-Siyete na ba si Pops?

Last Tuesday, ang ilang contestant na pumasok sa elimination round ay iti-trim down to 16 at ang mga matitira ang maglalaban-laban.

* * *

KUNG si Pops, balik-Kapuso, si Carmina Villarroel naman, balik- Kapamilya.

Siya at si Jodi Santamaria ang magkasama sa Mother's Day presentation ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.

Bukas naman, sa pagdiriwang din ng Mother's Day sa SOP, ang isa sa mga piling panauhin si Jennylyn Mercado, na magse-celebrate rin ng birthday kasabay si Dennis Trillo.

Ilo-launch din sa SOP ang Are You the Big Star at ang Power of 10 game show ni Janno Gibbs.

May big surprise rin ang programa para kay Dingdong Dantes at magarbong pagsalubong sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Source: People's Tonight