|
|
| Gwen, walang takot sa orgy scene! AJ Dee, lumayas sa ABS-CBN!Author: Jun Nardo WALANG takot na nagpakita ng kanyang harap ang baguhang si Joash Balejado sa launching indie movie niyang Heavenly Touch na dinirek ni Joel Lamangan under DMV Entertainment. First exposure ni Joash ang nasabing indie film na tumatalakay sa mga hiwaga sa likod ng mga masahistang bukod sa masahe ay nagbibigay pa ng extra service. Aba, meron nang katapat ang frontal nudity king na si Marco Morales na kasama rin sa project! Aber, malalaman sa HT kung mapapataob ni Joash si Marco kung si 'Junjun' ang pag-uusapan! Eh, bukod sa pagpapakita ng itinatago, may dukot scene din siya sa film. At si Paolo Serrano naman ang dumukot sa kanyang itinatago habang minasahe siya nito, huh! But of course, kung kaabang-abang ang mga frontal scenes sa HT, naku, mag-iinit ang manonood nito sa orgy scene nina Paolo, Joash, kasama ang wala ring takot na si Gwen Garci! Kung may frontal scene sina Joash, Marco at iba pang lalaki sa HT, si Paolo, meron din ba? “Pasilip-silip lang ako! Darating din tayo sa ganyang mga eksena, kaya abangan lang nila!” pabiting sabi ni Paolo.*** Tinodo na ng GMA Network ang matitindi at pabulosong shows sa GMA Telebabad simula this week. After ng Family Feud at 24 Oras, hitik na hitik sa aksyon at romansa ang Zorro ni Richard Gutierrez, lalo na ngayong malapit nang magkrus ang landas nila ng babaing bumihag sa puso niya, si Lolita na pinapelan ni Rhian Ramos. Sa Totoy Bato ni Robin Padilla, nakilala na ni Totoy (Robin Padilla) ang boxing coach na ginagampanan ni Eddie Garcia at inalok siyang maging boksingero. Malalantad na ang pakikipagtunggali ni Totoy sa boxing ring! Of course, kaabang-abang din ang mga eksena sa All About Eve at sa Koreanovela na Fated To Love.*** Lumayas na pala ng Channel 2 ang actor na si AJ Dee, kapatid ng actor-swimmer na si Enchong Dee. Nasa poder na siya ni Popoy Caritativo, manager nina Marian, Dennis Trillo at Mart Escudero, kaya agad itong nakalabas sa mga GMA shows. Namataan namin si AJ sa taping ng All Star K at sa Hole in the Wall nina Michael V at Ogie Alcasid. Eh, patapos na ang drama series ni Marian, kaya malabo nang maisama pa siya sa cast.*** Sinamantala na ng GMA Network ang pagiging sikat at mabenta ng tandem nina Ogie Alcasid at Michael V sa characters nilang spoiled brat Angelina at Yaya na sumikat sa Bubble Gang. Aba, ang dalawa ang host ng bagong game show na Hole in the Wall na papalit sa Family feud starting April 20. And take note, in characters ang dalawa bilang Angelina at Yaya sa first taping day ng show na aming nasaksihan. Foreign franchise din ang Hole in the Wall. Sikat ito sa YouTube ngayon dahil sa kakaibang konsepto nitong lumulusot sa iba't ibang hugis ng butas ang mga contestants! Sa first episode, kung hindi babaguhin, sina Jose Manalo, Ruby Rodriguez at Wally Bayola ang makakalaban nina Bearwin Meilly, Andrea del Rosario at Glaiza de Castro. Imadyinin kung paano nalusutan ni Ruby ang mga butas sa dingding!*** Goodbye na bang talaga si Rufa Mae Quinto na mapasali sa cast ng Zorro? Aba, sa victory party ng movie niyang Status: Single last January, ipinagsasabi pa naman niya na nasa cast siya ng Zorro. Pero natapos na ang press launch at umeere na ang Zorro, parang wala pa kaming nababalitaang nasa cast pa rin si Peachy, huh! Kasi naman, mas marami pang iginugugol na oras sa abroad si Rufa Mae kesa sa atin dahil sa kaliwa't kanang shows. Tapos heto, lilipad uli siya papunta naman sa New Jersey upang maging guest sa show ng Eat Bulaga sa Boardwalk sa Atlantic City sa April 4! So, paano siyang mabibigyan ng regular series sa GMA kung pawang abroad ang kinasasadlakan niya? Huwag sabihing still nursing a broken heart si Rufa Mae, huh! Source: Abante |