Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

HANDA

Author: Vinia Vivar

As of press time, handang-handa na si Sarah Geronimo sa gaganaping major concert niya sa Nov. 7, Saturday, sa Araneta Coliseum.

Titled Record Breaker, ito ang pang-apat na pagtapak ng ating Pop Star sa Big Dome at inaaasahang tulad ng naunang tatlo ay dudumugin din ito ng kanyang mga supporters.

Bukod sa kanyang mga production numbers, kaabang-abang ang mga isusuot na damit ni Sarah sa concert kaya naman apat na bigating designers sa bansa ang kinuha ng Viva Concerts & Events, Inc. para damitan si Pop Star.

Sa kanyang opening number, Sarah will be wearing a green Avengers/Dominatrix-inspired jumpsuit with beaded details by Dennis Lustico, worn with thigh-high boots by Guiseppi Zanotti.

Si Rhett Eala naman na madalas gumawa ng mga isinusuot na gown ni Sarah ang nagdisenyo ng second outfit ng reigning Box-Office Queen.

Ang pangatlong gown naman ay gawa ni Rajo Laurel, a Sergeant-Pepper-inspired gold brocade jacket and passenmenterie details; the inner outfit is a gold mesh-draped dress.

Her fourth gown is designed by Cary Santiago, a Swan Lake-inspired tulle outfit in black and white with quilted details.

Pati ang gagamitin niyang boots ay binili pa sa Hong Kong last week, a thigh high boots by Giuseppe Zanotti.

As of presstime ay halos sold out na ang ticket sa Record Breaker kaya nae-excite na kinakabahan si Sarah.

Bigatin din ang mga guests ni Pop Star sa concert na sina Billy Crawford, Luis Manzano, Vhong Navarro at Christian Bautista with Charlie Green and introducing Pop Girls.

Sa mga gustong humabol sa tickets, puwede kayong tumawag sa 911-5555 or VCEI at 687-6181 local 627 or 620.

* * *

Six months pa lang nakapapanganak si Vina Morales, slim na slim na agad siya at parang hindi nga nanganak. Nakausap namin siya sa birthday presscon ng Star Magic last Friday at say nga niya, sobrang kinarir daw niya ang pagpapayat dahil gusto na niyang bumalik sa trabaho.

Sa ngayon ay back to work na nga ang singer/performer and in fact, last week ay nagsimula na siyang mag-report ulit sa ASAP 09. Pinagkakaabalahan din niya ang upcoming concert ng Star Magic sa Araneta. Baka raw next year na siya mag-concert sa abroad.

Nagdiwang si Vina ng kanyang kaarawan last October 17 at first b-day niya raw ito na may Ceana (her baby girl) na siya.

"Ito rin ang first Christmas ko na kasama ko si Ceana," proud pa niyang say.

Needless to say, ang six-month-old baby niya ang kumukumpleto ng buhay ni Vina ngayon. Say nga niya, as long as kasama niya si Ceana, okay na siya kahit pa ano ang mangyari sa kanya in the future, with or without love life.

"At least, may anak na ako, and kaya kong tang-gapin kung anuman ang dumating, as long as nandiyan si Ceana," say pa niya.

Okay naman daw sila ng ama ng baby niyang si Cedrick Lee pero siyempre, hindi pa rin natin masabi ang future kung sila pa rin in the end. Basta sa ngayon daw ay naka-focus lang muna sila sa kanilang anak at isinasantabi muna ang mga pangsariling plano .

Anyway, naitanong kay Vina kung ano ang feeling niya ngayong balik-Kapamilya na ang ex-boyfriend niyang si Robin Padilla at aniya'y masaya raw siya para sa action star since matagal na rin daw na hindi ito nakakagawa ng project sa ABS-CBN.

Robin is doing a movie under Star Cinema, film arm ng ABS-CBN at muntik na rin siyang magkaroon ng teleserye.

Open ba si Vina sa posibilidad na magkasama silang muli ni Binoe sa isang show or movie?

"Kung meron, why not? Kung dati, takot akong makatrabaho siya, ngayon, hindi na," natatawa niyang sabi.

Dati raw kasi ay may gagawin sana silang teleserye pero nag-back-out siya dahil hindi pa siya ready na makatrabaho ang dating boyfriend. Pero noon pa raw 'yun at maramig panahon na ang lumipas.

Inamin ni Vina na first love at first boyfriend niya si Binoe at natatawa na lang siya ngayon kapag naaala ang mga kalukahan niya noon sa pag-ibig.

Pero tapos na raw 'yun lahat ngayon, may kanya-kanya na silang buhay at kung bibigyan daw sila ng project, tatanggapin na raw niya.

Source: People's Tonight