Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

HIWALAY!!!

HIWALAY!!!

Author: Rey Pumaloy

Sunud-sunod at hindi na talaga maawat ang hiwalayan sa showbiz. Sabi nga, parang nagkakasunud-sunod ang kamalasan sa mga relasyon sa showbiz ngayon.

Nauna na ngang naghiwalay sina Dingdong Dantes at Karylle, Jean Garcia at Polo Ravales, sumunod sina Isabel Oli at Paolo Contis.
Hindi rin napahuli sina Beth Tamayo at Johnny Wong, pati na sina Jolina Magdangal at Bebong Muñoz.

At ngayon nga, walang kamalay-malay ang showbiz, hiwalay na rin pala si Cherry Pie Picache sa kanyang live-in partner for 12 years, at tatay ng kanyang anim na taong anak na lalaki.

Sa simula, gusto sanang ilihim ni Cherry Pie ang paghihiwalay nila ng kanyang dating live in partner.

Pero, nabuking lang namin ito nung tanu­ngin namin si Cherry Pie sa presscon ng Tayong Da­lawa, kung kailan sila magpapakasal ng tatay ng kanyang anak.
“Hindi na! I'm single,” sagot ni Cherry Pie.

Anyway, inamin ng mahusay na aktres na dalawang buwan na rin silang hiwalay ng naturang lalaki. Umabot nga raw sa 12 years ang pagsasama nila, kaya masakit sa kanya na nauwi `yon sa hiwalayawan.

Iginiit ni Cherry Pie na walang third party sa nangyaring hiwalayan nila. Hindi rin daw nila pinag-awayan ang pagiging artista niya.
Ang pagiging incompatible ang sinasabing dahilan ni Cherry Pie kung bakit sila nagkahiwalay.

Pag-amin ni Cherry Pie, sa 12 years na pagsasama nila, paunti-unting sumulpot ang mga isyu na hindi nagkakatugma ang kani-kanilang mga personalidad.

At kesa raw lumala pa ang problema sa pagitan nila, mas minabuti na raw nila na maghiwalay.

“Mahirap at masakit `yung paghihiwalay, pero kailangan kong tanggapin,” sabi ni Cherry Pie.

Sa ngayon, ninanamnam na lang ni Cherry Pie ang pagiging magkaibigan nila ng tatay ng kanyang anak. Wala rin daw siyang maipipintas sa pagiging ama nito sa kanilang anak.

At ngayon pa lang daw, pinaiintindi na nila sa kanilang anak ang sitwasyon nila.
“He's very understan­ding naman. Hindi naman kami nagkukulang sa pagmamahal sa anak namin. Everyday nakikita niya ka­ming dalawa ng daddy niya.

“We're very honest sa anak namin,” kuwento ni Cherry Pie.
Sa ngayon, sarado na raw muna ang puso ni Cherry Pie para sa pani­bagong relasyon. Mas gusto raw niyang mag-concentrate sa trabaho, lalo na sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Tayong Dalawa.

Natutuwa si Cherry Pie dahil underdog daw ang character na ginagampanan niya sa Tayong Dalawa.

Source: Abante