Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

HUBAD SA ILALIM NG DAGAT... Boobs ni Marian, alagang-alaga!

HUBAD SA ILALIM NG DAGAT... Boobs ni Marian, alagang-alaga!

Author: Dondon Sermino

Sigurado si Marian Rivera, na kahit nag­lantad na siya ng kanyang katawan sa telebisyon, hinding-hindi pa rin mababastos ang kanyang pagkababae.

Sa sobrang pag-aalaga nga raw ng GMA 7 sa kanya, habang nakatiwangwang ang kanyang alindog sa taping ng Dyesebel, malabong kumalat daw ang mga hubad na larawan niya sa Internet.

At kung may mga lumabas man daw sa Internet na mga hubad na larawan niya, sigurado raw na dinoktor `yon, o dinaya, o ginamit ang kanyang mukha, pero nilagyan ng ibang katawan.

Anyway, sa presscon ng Dyesebel ay kitang-kita namin ang malusog na dibdib ni Marian. Sa totoo lang, maganda ang tayo o tubo ng kanyang dibdib, na kahit mayaman ay hindi bagsak.

Nakita rin namin ang isang eksena sa Dyesebel na kung saan ay buhok lang ang takip ng kanyang mayamang dibdib. At muli, hindi nagbago ang itsura ng kanyang dibdib, dahil nakatayo pa rin ito.

Sabi ko nga, halatang alaga nang husto ni Marian ang kanyang boobs. At mukha talagang hindi pa ito nagagalaw.

Sabi ko nga kay Ma­rian, kapag nakita ng mga kala­lakihan ang magandang itsura ng kanyang dibdib, hindi talaga maiiwasan na pagnanasaan siya ng mga `yon.

“Ang masasabi ko lang po, wholesome po ako. Kahit medyo may part ng katawan ko na naka-expose, wholesome pa rin ako,” sabi ni Marian.

Bagama't ayaw ikuwento ni Marian, nalaman namin na malabong masi­lip ang korona ng kanyang dibdib, dahil nakasuot pala siya ng nipple tape.

Na kahit umalog-alog pa ito, o lumangoy-langoy pa siya sa ilalim ng dagat, hindi pa rin masisilip ang kanyang korona.

Siyanga pala, aware na aware si Marian na may mga kontrabida sa buhay niya ang nagsasabi na hindi siya bagay gumanap na Dyesebel.

Ni katiting sa katangian daw kasi ng ganda at kasikatan nina Alma Moreno, Vilma Santos, Alice Dixson at Charlene Gonzales, noong gumanap silang Dyesebel, ay wala kay Marian.

“Well, sabihin na nila ang lahat ng gusto nilang sabihin. Basta ako, tinatanggap ko lang naman kung ano ang ibinibigay sa akin ng GMA.

“Ang sa akin lang, hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay sa akin ng GMA,” pahayag ni Marian.

May mga nagsasabi na parang nauuwi na rin sa totohanan ang lampungan nila ni Dingdong Dantes. Sa mga eksena raw nila sa Dyesebel sa ilalim ng dagat na naghahalikan sila ay parang bigay na bigay na sila sa isa't isa.
“Basta kami ni Dingdong, bago sumalang sa harap ng camera, inaalis na naming ang hiya. I mean, kung ano `yung character namin, kung sino ang ginagampanan naming role, `yun ang iniisip namin.

“So, kung nakita man nila na parang bumibigay na kami ni Dingdong, isa lang ang ibig sabihin noon, maganda ang ginagawa namin sa harap ng camera,” paliwanag ni Marian.

Well, ayaw pag-usapan ni Marian ang boyfriend niya ngayon. Nakakahiya raw kasi sa GMA, dahil malaking halaga ng pera ang iginugugol para sa kanya.

****

Balikan natin ang nakaraan sa buhay ni Marian Rivera.
Si Marian, noong baguhan pa lang siya sa showbiz ay palagi lang tahimik sa isang sulok.

Palagi siyang bitbit ng manager niyang si Popoy Caritativo sa mga pagpunta-punta ng huli sa Wednesday Club sa Imperial Hotel ni Mother Lily Monteverde.

Magiliw na nakikipagkuwentuhan sa mga kaharap niya, at halata mong magalang sa tema ng pagsasalita niya.

Noon pa man, nakikita na namin ang kakaibang sex appeal ni Marian sa mga kalalakihan. Noon kasi, kapag nakakasama namin siya sa isang showbiz party, na kahit nakaupo lang siya sa isang sulok, may mga artistang lalake ang hindi maawat sa pag­lapit sa kanya.

Lakas-loob silang nakikipagkilala, o nagta­tanong kay Marian. Ma­tapang nilang hinihingi ang cellphone number ni Marian.

At nakakatuwa si Ma­rian, dahil agad siyang tumitingin sa manager niyang si Popoy, na parang humihingi ng tulong, kung dapat ba niyang ibigay ang cellphone number niya, o hindi.

At sa bandang huli, base na rin sa desisyon ng kanyang manager, ay ibinibigay na rin nila, para hindi ma­sabihang supladita.

Nakita rin namin si Marian na nagpupumilit mamuhay na mag-isa. Nakakatuwa siya nung mga oras na `yon, dahil mula sa katiting na kinikita niya, umupa siya ng condo, na sa simula siyempre ay pinagtiyagaan niyang tirhan, bagama't wala pa siyang gamit.

Aliw kami kay Marian noon kapag ikinukuwento niya na naglinis siya ng bahay, na naglabas siya ng mga damit niya, na nagluluto siya para may kainin.

At mas natutuwa kami kapag nagkukuwento siya na mula sa kanyang kinita sa trabaho niya sa soap ope­ra ng TAPE Inc., noon ay nakabili na siya ng kama, at ilang gamit sa bahay.

Paunti-unti ang pag-unlad ni Marian. Hindi ito ibinigay sa kanya sa isang iglap lang.

Maraming hirap din siyang pinagdaanan, na tulad ng ibang sikat na artista ngayon, dumaan din siya sa panahon na parang nakatulala lang siya sa loob ng bahay, dahil wala namang dumarating na trabaho.

At hindi nga siya nawalan ng pag-asa. At heto na nga si Marian ngayon, na parang hindi na magawang matulala, dahil sa sangka­tutak na trabaho.
At wala siyang reklamo...

Bakit ka nga naman magrereklamo, kung ang matagal mo na ring ipinagdarasal, ang siyang ibi­nigay sa iyo ng Diyos, ay tinatamasa mo ngayon?

Sige pa Marian, magtuloy-tuloy sana ang iyong pamamayagpag, hindi lang sa ilalim ng dagat. Na sana, pati ang pinakamataas na ulap sa langit ay marating mo.

Source: Abante