|
|
| Halik ni Dingdong Dantes kay Uge lasang Marian RiveraAuthor: Tonee Coraza SAYANG, 'di nakapunta si Dingdong Dantes sa presscon ng Kimmy Dora dahil busy siya sa workshop ng Stairway to Heaven. Magandang publicity mileage sana ito sa launching movie ni Eugene Domingo. Nanghihinayang din kami at hindi isinama si Dingdong sa poster ng movie dahil ma-katutulong din nang malaki kung makikita ng mga tao na kasama ni Uge si Dong sa poster. Napa-eeeiiiwww si Uge nang biruin namin siya kung lasang 'Marian Rive-ra' ba ang mga labi ni Dingdong sa ginawa nilang kis-sing scene sa movie. Oo raw at lasa ring Goldilocks, sabay tawang malakas ni Uge. Alang-alang sa sining ay pumayag mag-bathing suit si Eugene sa swimming pool scene nila ni Dingdong sa Kimmy Dora. How true na nakita ang puwet ni Dingdong sa eksenang ito? Ang daming friends ni Eugene ang nag-volunteer na mag-guest sa movie sa laun-ching movie niya as solo star tulad nina Anjo Yllana (co-host niya sa Cool Center), Chocolate, Andoy at Mr. Karinyoso pero wala nang maibigay na role si Di-rek Joyce Bernal sa mga ito. Sa lahat ng nakakita ng trailer ng Kimmy Dora na super-tadtad sa facebook ay super-tawa ang lahat. Muk-hang malaking threat na nga kay Ai Ai delas Alas si Uge. Pero, tamang-tama lang dahil palaos na si Ai Ai. May kapalit agad siya in the person of Eugene Domingo. * * * SOSYAL talaga to the highest level si Claire dela Fuente. Si Michael Bolton ang ka-duet niya sa The Christmas Song album na kasama sa repackaged Christmas album niya under Viva Re-cords. Ang nakatutuwa pa , isasama rin ni Bolton ang Christmas duet nila sa sarili nitong album to be distri-buted worldwide. Kaya worldwide din ang magiging exposure ni Claire. Aba nadaig pa niya si Regine Velas-quez. Labas na rin ngayon ang latest album ni Claire under Viva Records titled Timeless: Songs of My Life kung saan si David Soul ang ka-duet niya sa Bakit Ngayon Ka Lang. Talbog nga ni Claire ang lahat ng kasabayan niya noon dahil up to now ay ve-ry active pa siya sa recor-ding scene at mga sikat na international artists pa ang mga nakakatrabaho niya. * * * MUKHANG mas exciting ngayon ang contestants ng Survivor Philippines Palau. Kasi may napahalong 'berde ang dugo' o silahis sa grupo. Ayaw na muna na-ming pangalanan ito para hindi ma-preempt ang bonggang pilot episode nila sa Lunes (Aug. 17). Again sari-saring personalidad na naman ang magka-clash sa Survivor Philippines at ipi-nakilala sa press ang napi-ling 16 contestants. Early favorites namin sina Mar-vin Kiefer (Ultimate Crush), Shaun Rodriguez (Hot Dad) at Suzuki Sadatsugu (Japinoy Hunk). Tumataginting na P3M cash tax-free pa rin ang mapapanalunan ng winner. At sisiguraduhin daw nila this time na walang leakage na mangyayari tulad last year na nalaman kaagad na si JC Tiuseco ang mananalo. Ka-ya naman wala ni isa sa 16 contestants ang pinainterbyu sa press. * * * SINA Rainier Castillo at Michelle Madrigal ang guests ng Bubble Gang this week. Kasama sila sa Colgate Plax commercial spoof at Unahin Mo Ako Gags. Sino ang Has Been Stuntman at sino ang titili ng Lalaki Na Ako? Nandiyan pa rin ang kinagigiliwang regulars na Moymoy Palaboy, Spoiled Brat at Pupet. Source: Taliba |