Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Halik ni Sid, 'di kinaya ni Emilio!

Author: People's Tonight

First time nina Emilio Garcia at Sid Lucero na makipaglaplapan sa kapuwa lalaki kaya naman nang kunan ang isa sa maseselang parte ng pelikulang Selda, sobrang kaba ang inabot ng dalawang aktor.

Hindi lang kasi ordinaryong halikan, kundi laplapan talaga, ang ginawa nila.

Sa mga straight na lalaking tulad nina Sid at Emilio na hindi pa nakaranas ng ganu'n, napakalaking challenge talaga ang nasabing eksena sa parte nila.

"Wow, ang tindi! Grabe talaga! Hindi ko kinaya! Ang tamis ng mga labi ni Sid," pabirong sabi ni Emilio.

"Parang sa babae rin, pero siyempre, mas masarap 'yung sa girl. Naglolokohan nga kami ni Emilio, eh, na baka isa sa amin ang bumigay. Hahaha!" natatawang pahayag naman ni Sid.


Siguradong maraming bading ang makaka-relate sa isang eksena ng dalawa sa indie film na Selda, na tumatalakay sa relasyon ng Ikatlong Lahi — kung paano ito nabuo, nasira at nagtagumpay.

Hindi naman pinagsisisihan nina Sid ang ginawa dahil matino at pulido ang kinalabasan ng naturang pelikula. Bigla rin daw nilang naintindihan ang kalagayan ng mga bakla.

Ipalalabas ang Selda sa February 13 sa Robinson's Ermita at Galeria. Kasama nga rin pala sa pelikula si Ara Mina, sa direksiyon nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos.

Produced ito ng Star View Productions.

* * *

Masasaksihan ang pagtatapat ng tinaguriang Da Big Four sa Klownz Quezon Avenue mamayang gabi.

Magpapagalingan sa show sina Jose Manalo, Wally Bayola, K Brosas at Katrina Halili. Sino kaya ang tatanghaling "Big Winner" sa apat?

Para sa mga gustong manood, tumawag lang sa 374-4455/374-4065 o 374-8270.

* * *

NGAYONG gabi na rin gaganapin ang birthday-cum-25th anniversary concert ni Martin Nievera, Martin Nievera XXV, sa Araneta Coliseum.

Timeless songs na may kinalaman sa career niya ang babanatan ng concert king, mula sa hit na Be My Lady, Each Day with You, Forever, Ikaw Ang Lahat Sa Akin at Kahit Isang Saglit hanggang sa Say that You Love Me, You are My Song at marami pang iba.

Ang Martin Nievera XXV is directed by Rowell Santiago with Louie Ocampo as musical director.

Bukod sa participation ng mga anak na sina Robin at Ram, makakasama rin ni Martin ang 28-piece FILharmoniKa Orchestra sa ilalim ng baton ni Gerard Salonga.

Source: People's Tonight