|
|
| Halikan, tsinugi!![]() Author: Rey Pumaloy NAKITA na raw ni Boxing Champ Manny Pacquiao ang mga text messages kay Valerie Concepcion�na diumano ay galing sa kanyang misis na si Jinkee Pacquiao. Sa ginawang pag-uusap nina Manny at ng manager ni Valerie na si Becky Aguila recently, ipinakita sa boksingero ang mga messages na ipinadala raw ni Jinkee kay Valerie. Sabi, nagsimula ang pagtiti-text ni Jinkee kay Valerie noong pumutok ang kuwento tungkol sa "torrid kissing scene" nina Valerie at Manny para sa Anak Ni Kumander. Sabi ng manager ni Valerie, masyadong degrading ang mga mensahe na nakuha ng alaga niya. Kung anu-ano raw panlalait ang ginawa kay Valerie ng mensaheng `yon. Nandiyan pa �yung mensahe na diumano ay galing kay Manny ang pera na ipagpapagawa ng bahay ni Valerie. Siyempre, hindi binura ni Valerie ang lahat ng messages na nakuha niya, harap-harapan ay ipinabasa nila ito kay Manny. At ang reaksiyon ni Manny, naawa raw ito kay Valerie, matapos mabasa ang mga mensahe. Pero, hindi pa rin kumpirmado kung ang cell number na ginamit ay galing kay Jinkee. Anyway, gustong linawin ng kampo ni Valerie na hindi nila inaakusahan si Jinkee na siyang nagpapadala ng masasamang mensahe kay Valerie. Siyanga pala, nag-sorry na rin si Manny sa manager ni Valerie. Sabi ni Manny, hindi niya alam na wala sa usapan ang �halikan� nila ni Valerie sa pelikula. Sabi ni Manny sa manager ni Valerie, bagama�t siya ang prodyuser ng pelikula ay ang pag-arte niya ang tinutukan niya nang husto sa syuting nila. Hindi raw siya nakialam sa paggawa ng iskrip. Siyanga pala, tinanggal na rin ang naturang kissing scene sa pelikula. *** AWANG-AWA na si Lani Mercado sa mister niyang si Sen. Bong Revilla, dahil sa sangkatutak na intrigang ipinupukol dito. Sa pakikipagtsikahan namin kay Lani sa grand opening ng Sanctuario SPA and Wellness sa Q.C., sinabi niya na suportado niya si Bong sa lahat ng laban nito. Gabi-gabi raw niyang iniisip kung paano tutulungan si Bong. "Nalulungkot ako para sa asawa ko. Wala namang gustong saktan si Bong. Ayaw na nga niyang magsalita tungkol sa kanilang dalawa ni Edu (Manzano) para matigil na ang issue, pero ayaw pa rin siyang tantanan. "Nababasa ko �yung mga nasusulat sa kanya. �Yung mga bira sa kanya. Nakakalungkot," say ni Lani. Kunsabagay, matapos ngang masulat na may anak na si Bong kay Josephine Canonizado, ang tungkol kay Edu naman ang kasunod na sinagupa ni Bong. Pero, ano ba ang reaksiyon ni Lani na may anak na raw si Bong kay Josephine? "Nababasa ko lang. Pero, hindi naman nila kinu-confirm or dini-deny �yung isyu. So, hintayin na lang natin. Hindi ako magsasalita tungkol diyan, at hahayaan ko na lang si Bong. Siya ang nakakaalam kung ano ang mas dapat gawin." Sabi ni Lani, hindi pa raw niya nami-meet si Josephine. "I haven�t met her. I never met her. Hindi ko siya talaga kilala," kaswal na sabi lang ni Lani. Pero siyempre, malaki ang pasasalamat ni Lani, na kahit ano pang intriga ang dumating sa kanila, nananatili pa ring buo ang kanilang pamilya. "Importante sa akin na hindi kami watak-watak at buo pa rin kami. Sabi ko nga, kahit ano pa ang mangyari I�m the first, ako ang una, ako ang legal, and I�m the only one!" mariing pahayag ni Lani.� Source: Abante |